Glaiza, Kokoy, Buboy, Lexi, Angel napamahal na sa South Korea: Very thankful na nakauwi kami ng safe at walang nagkasakit sa amin | Bandera

Glaiza, Kokoy, Buboy, Lexi, Angel napamahal na sa South Korea: Very thankful na nakauwi kami ng safe at walang nagkasakit sa amin

Ervin Santiago - August 14, 2022 - 08:36 AM

Kokoy de Santos, Angel Gurdian, Buboy Villar, Glaiza de Castro, Mikael Daez, Ruru Madrid at Lexi Gonzales

NAKABALIK na ng Pilipinas mula sa South Korea ang mga Kapuso stars na naging contestants inaabangan nang reality-game show na “Running Man Philippines”.

Makalipas ang mahigit isang buwang pagte-taping at paglalamiyerda na rin sa Korea, nakauwi na nga sina Glaiza de Castro, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Angel Guardian at Lexi Gonzales sa bansa.

Isa-isang nagkuwento ang limang celebrity participants sa “Running Man Philippines” na isang bonggang-bonggang co-production ng GMA 7 at SBS Korea, tungkol sa ilang karanasan nila sa pagsu-shooting sa nasabing bansa.

“Excited din kami na mai-share ‘yun sa tao. Kung sino kami at kung ano ‘yung mga natutunan namin sa sarili namin.

“Sobrang grateful kami sa GMA 7 for giving us this once-in-a-lifetime opportunity to work with the amazing team. Ang dami namin natutunan sa kanila, actually at ang dami namin binaon talaga rito,” kuwento ni Glaiza sa “24 Oras.”

Sabi naman ng “Bubble Gang” star na si Kokoy de Santos, iba’t ibang emosyon ang naramdaman niya nu’ng matapos na ang taping nila sa South Korea para sa nasabing reality show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


“Medyo mixed emotions, kasi masaya kasi makakauwi na, makakasama mo na uli ‘yung pamilya mo, pero sad kasi, parang napamahal ka na rin doon sa Korea,” pahayag ni Kokoy.

Hinding-hindi naman daw makakalimutan ni Lexi Gonzales ang mga natutunan niya tungkol sa kultura ng mga Koreano habang ginagawa ang kanilang mga “mission” para sa “Running Man Philippines.”

“As in sobrang surreal, ‘yung system na ginawa ng SBS pinapa-experience nila sa amin ‘yung culture ng Korea while we’re doing our mission,” sey ng dalaga.

Sey naman ni Buboy, “Sa haba at sa grabe ng pinasamahan namin sa mga mission of course mero’n talaga sepanx. I’m pretty sure na hindi ito ‘yung huli.”

Pagsang-ayon naman ni Angel, “Na-appreciate rin namin ‘yung mga Koreans. Lahat! [pati] ‘yung mga cameraman, lahat ‘yun din mami-miss naming and also the missions siyempre.”

Samantala, naikuwento rin ni Glaiza ang matinding pag-ulan sa Korea bago sila bumalik sa Pilipinas. Nagsimula raw ang bagyo roon last Monday, August 8, na sinasabing “heaviest rainfall in the country in 80 years.”

Pagbabahagi ni Glaiza, “Medyo kinabahan lang nga kami, kasi umuulan all day. And nakita nga namin na may mga kasamahan kami na staff namin na mga Koreans, mga interpreters namin na affected by the floods. So, na stranded sila, hindi sila nakauwi after the taping.

“But we’re very thankful na nakauwi kami ng safe at walang nagkasakit sa amin, dahil may COVID cases pa rin,” sabi pa ng award-winning actress.
https://bandera.inquirer.net/317119/kokoy-de-santos-shookt-nang-mapasama-sa-running-man-ph-angel-guardian-gusto-nang-mag-quit-sa-showbiz-pero

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/299932/nadine-samonte-muling-nakasama-ang-pamilya-matapos-manganak
https://bandera.inquirer.net/310706/maxene-tinawag-na-astig-totoong-tao-si-charlie-lexi-super-happy-sa-piling-ni-gil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending