Neri ibinuking si Chito: Ang layu-layo ng personality niya sa banda sa pagiging daddy | Bandera

Neri ibinuking si Chito: Ang layu-layo ng personality niya sa banda sa pagiging daddy

Ervin Santiago |March 14,2022
facebook
share this

Neri ibinuking si Chito: Ang layu-layo ng personality niya sa banda sa pagiging daddy

Ervin Santiago - March 14, 2022 - 07:23 AM

Chito Miranda at Neri Naig

Chito Miranda at Neri Naig

DALAWANG taon palang sinubukan ng celebrity couple na sina Neri Naig at Chito Miranda na mabigyan ng kapatid ang panganay nilang si Miggy.

Inamin ng actress-entrepreneur na talagang plano nilang sundan agad si Miggy pero hindi raw ito nangyari kaya nang bigla siyang nabuntis sa ikalawang anak nilang si Baby Cash ay may gulat factor ito para sa kanila ni Chito.

Ayon kay Neri, mahirap man ay kinarir pa rin niya ang pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo sa gitna ng pandemya kasabay ng kanyang pagbubuntis.

“Two years kaming nagta-try tapos sabi ko, ‘Ay naku bahala na  kung ibibigay, ibibigay. Kung hindi okay lang, meron naman na tayong baby di ba?’ Parang ganu’n.’

“And then nu’ng nag-stop trying kami, relax, relax pa kami. Nasa dagat pa kami tapos nag-order siya ng mga margarita na may mga lemon, lemon, sabi ko akin na yung lemon tapos nag-order pa ako ng lemon at sinisipsip-sipsip ko siya.

“So yun pala yun nasa lihi stage na ako. Nahirapan lang ako kasi hindi makalabas labas masyado and praning, yung mga ganun. Pero okay naman,” sabi pa ni Neri sa isang onlilne interview.

Marami rin daw siyang nadiskubre kay Chito ngayong panahon ng pandemya lalo na sa pagiging tatay ng frontman ng Parokya ni Edgar sa dalawa nilang anak.

“Si Chito alam ko naman na responsible dad siya and husband pero dahil pandemya and ang trabaho ng asawa ko di ba pagbabanda so nakikita ko talaga na ang layo layo ng personality niya sa banda sa pagiging daddy.

“Inisip ko, ‘Salamat Lord ang suwerte ko!’ Tinutulungan niya ako. Kumbaga ako yung mas nagtatrabaho ngayon pero wala siya yung ego, talagang tulungan kami eh.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Kumbaga ang ginagawa niya siya muna kay Miggy kasi lalo na nung nabuntis ako tapos ako din inaalagaan niya. Ang paglilihi akala mo arte arte lang nu’ng hindi ka pa nabubuntis pero hindi pala, kapag nasa ‘yo na siya hindi mo na ma-control.

“So talagang hirap siya. Hindi naman siya nagrereklamo. So talagang ang suwerte ko,” pahayag pa ng aktres na mas kilala ngayon sa tawag na wais na misis.

Bukod daw dito, “Na-rediscover din namin yung mga skills namin dahil madami tayong oras magkakasama or sa atin, sa sarili natin because of this pandemic.

“So ang dami nating na-rediscover na skills natin. And si Chito feel na feel niya maging chef dito. Ha-hahaha! Bina-vlog niya ginisang sardinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero nakakatuwa kasi siya yung naggo-grocery kasi siyempre hindi ako makalabas masyado kasi may baby kami. Pagbayad ng bills siya, siya lahat. Siya yung runner namin so nakakatuwa,” masayang kuwento pa ni Neri Miranda sa nasabing interview.

Neri Miranda bumili ng condo para sa anak na si Miggy: Para habang bata pa, may negosyo na siya

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Chito tinuturuan nang maggitara si Miggy: Pretty soon, makakakanta na siya ng simple songs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending