Andrea Brillantes niregaluhan ng Rolex nina Whamos at Antonette

Andrea Brillantes niregaluhan ng Rolex nina Whamos at Antonette

Therese Arceo |March 28,2024
facebook
share this

Andrea Brillantes niregaluhan ng Rolex nina Whamos at Antonette

Therese Arceo - March 28, 2024 - 03:18 PM

Andrea Brillantes niregaluhan ng Rolex nina Whamos at Antonette

NAWINDANG ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes matapos itong makatanggap ng mamahaling relo na Rolex mula sa social media personalities na sina Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario.

Sa isang video na ibinahagi ni Whamos sa kanyang Facebook page ay sinurpresa nila ang dalaga na nag-celebrate ng birthday kamakailan.

“Mayroon na naman tayong bisita ngayong araw… Nag-birthday si Blythe [Andrea], siyempre bibigyan rin natin ng isang magandang magandang [regalo]. Alam kong magugustuhan niya ito,” sey ni Whamos sa naturang video.

Ibinida nga niya na Rolex ang laman ng kanilang nakabalot na regalo na hiling nila na sana’y magustuhan ng dalaga.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes ‘nadurog’ sa ginawang pagpatay kay Killua

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nang iabot kay Andrea ang nakabalot na regalo ay kitang-kita na masaya agad ito kahit na hindi pa niya alam kung ano ang laman.

“Hala, thank you!” masayang sabi ng dalaga sabay yakap kina Whamos at Antonette.

Dagdag pa ni Andrea, “Parang ito ‘yung pinakita ko… Gusto ko to!”

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens ang naturang video ni Whamos.

“Makikita talaga sa mata ni Andrea na gustong gusto nya ang binigay ni whamos ramdam ko talaga habang nanonood ako,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “Si Blythe tlga Yung tipo Ng tao na kht anong Ibigay mo super appreciated nya kita Yung Saya pagbinibigyan xa kht ano pa o sino Yung nagbigay. love you Blythe and Whamoscruz.”

“Wowwww Rolex! sobrang galante nyo sobran bait nyo Whamoscruz kyo ni Tonette Thank u for Blythe [emojis] Ur very lucky girl our baby Andrea Brillantes,” sey naman ng isa.

Samantala, bago ang regalong mamahaling relo kay Blythe, una nang niregaluhan ng dalawa ang bestfriend nitong si Bea Borres ng Dior bag.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending