Mister ni Alex na si Mikee Morada napagkamalang si Whamos

Mister ni Alex na si Mikee napagkamalang sina Whamos at Chel Diokno

Ervin Santiago |March 12,2024
facebook
share this

Mister ni Alex na si Mikee napagkamalang sina Whamos at Chel Diokno

Ervin Santiago - March 12, 2024 - 12:02 AM

 

Mister ni Alex na si Mikee napagkamalang sina Whamos at Chel Diokno

Whamos Cruz, Alex Gonzaga, Mikee Morada at Chel Diokno

NAPAGKAMALAN ng mga netizens ang asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada bilang sina Whamos Cruz at Atty. Chel Diokno.

Nag-post kasi si Alex sa Instagram ng isang litrato kung saan makikita siyang nakahiga sa kama habang yakap ang unan na may mukha ni Mikee ang ginamit na punda.

Ayon sa TV host-actress at content creator, nagpa-customize talaga siya ng punda na may face ng kanyang husband  para kahit paano’y maibsan ang nararamdaman niyang panungulila kapag wala ang kanyang mister.

Baka Bet Mo: Chel Diokno nag-react sa aksyon ng MTRCB sa eksena nina Vice at Ion sa ‘Showtime’

Aniya, para na ring katabi at kayakap niya sa pagtulog si Mikee dahil sa nasabing customized pillow.

“Matutulog ng mahimbing kapiling ka kahit malayo sa isa’t – isa,” ang caption ni Alex sa kanyang IG post. Nilagyan pa niya ito ng hashtag #Clingywiferockzzz.

Nag-react naman agad ang sisteraka niyang si Toni Gonzaga sa kanyang post. Hirit nito sa kapatid, “Feeling (laughing emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Marami pang nag-comment sa pag-flex ni Alex sa kanyang asawa at karamihan ay nagsabing sa unang tingin ay inakala nilang ang social media personality na si Whamos Cruz ang kayakap ni Alex.

May ilan namang nagkomento na  inakalang ang dating senatorial aspirant na si Atty. Chel Diokno ang nasa punda ng unan ni Alex.

Baka Bet Mo: Chel Diokno ikinumpara kay Robin Padilla, hindi raw iboboto dahil hindi kasing gwapo ng aktor

“Omg kala ko si chelDiokno.”

“@cathygonzaga akala ko pinaputing Whamos yung yakap mong unan. peace!”

“Unang tingin ko kala ko si Whamos.”

“Atty Chel Diokno.”

“Nagulat ako kala ko si wamos.”

“Not an epal pero the highest respect to consi mikee. Nakaka urat ung ewan qng walng onag aralan o papansin.”

“Umay na to si AG, kaloka bat kaya lagi nasa wall ko. Di ko naman follow haaays.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Akala ko pinaputing Whamos yung yakap mong unan. peace!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending