Alex Gonzaga naghahanda na sa muling pagbubuntis: Claiming it

Alex Gonzaga naghahanda na sa muling pagbubuntis: Claiming it

Therese Arceo |February 21,2024
facebook
share this

Alex Gonzaga naghahanda na sa muling pagbubuntis: Claiming it

Therese Arceo - February 21, 2024 - 05:28 PM

Alex Gonzaga naghahanda na sa muling pagbubuntis: Claiming it

IBINUNYAG ng TV host-vlogger na si Alex Gonzaga na nagre-ready na siyang muli para magkaroon ng baby.

Sa kanyang Instagram broadcast channel ay ibinahagi ng asawa ni Mikee Morada na nagpunta sila sa isang doktor noong Martes, February 20.

“Came from my immunology doctor. Prepping my body for pregnancy,” saad ni Alex.

Pagpapatuloy niya, “Claiming it this year.”

Kalakip ng update ni Alex ay ang larawan nila ni Mikee na nasa loob ng sasakyan.

Ayon sa WebMD, isang medical website, ang immunology doctor ay ang gumagamot o tumitingin sa mga sakit na nagmula sa mga problema sa immune system. Mayroon rin naman na ang focus ay immune system at reproductive system at paano ito mag-interact during pregnancy.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga nag-practice maging buntis: Bagay naman di ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Mula naman noon ay vocal na talaga si Alex sa kanyang pagnanais na magkaroon na sila ng baby ni Mikee magmula nang una siyang makunan noong October 2021, halos isang taon buhat nang ikasal sila ng konsehal.

Ngunit sa kasamaang palad ay muli na namang nakunan ang vlogger sa pangalawang pagkakataong sinubok niya ang magbuntis.

Ito ay inilahad niya sa mismong YouTube channel ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga noong November 2023.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani Alex, sinubukan nilang mag-asa na magkaanak sa pamamagitan ng in-vitro fertilization.

Sharing one’s motherhood journey is never easy because it brings back all the pain and feeling of loss,” pagbabahagi ng bunsong Gonzaga.

Dagdag pa ni Alex, “One day, and by God’s grace and infinite goodness, we will have our rainbow baby.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending