Toni Gonzaga kinilig nang pansinin ni Sam Smith TikTok dance ng pamilya

Mikee Morada, Alex Gonzaga, Toni Gonzaga, Paul Soriano; Sam Smith
MUKHANG natuwa nang todo ang TV host-actress na si Toni Gonzaga matapos purihin ng sikat na English singer na si Sam Smith ang recent TikTok dance ng kanyang buong pamilya.
Tila naging agaw-pansin sa international artist ang nasabing post dahil ang sinayaw ng Gonzaga family ay ang hit song ni Sam na “La La La.”
Mapapanood sa video na nagli-lip sync at nagsasayaw si Toni kasama ang kanyang mister na si Paul Soriano, pati na rin ang anak nila na sina Seve at Polly.
Enjoy na enjoy din na umiindak sa kanta sina Alex at ang asawa niyang si Mikee Morada.
Baka Bet Mo: Hugot ni Toni Gonzaga: Walang ina na gustong ipahamak ang anak
At siyempre, hindi nagpahuli ang mga magulang ng Gonzaga sisters na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.
Lahat sila ay nag-take turns sa harap ng camera upang umawra at ipakitang nag-e-enjoy sila sa nasabing kanta.
Ang caption pa ni Toni sa kanilang dance video, “TikTok before family dinner.”
@celestinegonzaga_
Tiktok before family dinner☺️
♬ La La La – Sped Up Version – Naughty Boy & Sam Smith
Napa-reply naman diyan si Sam at sinabing: “Beautiful.”
Very obvious na nagulat at na-happy ang TV host dahil proud niyang ibinandera ang screenshot ng komento ng singer sa kanyang Instagram Story.
Binilugan pa nga niya ang papuri ni Sam at may caption pang, “kilig [smiling face with hearts emojis].”

PHOTO: Instagram/@celestinegonzaga
As of this writing, ang naturang TikTok video ni Toni ay umaani na ng mahigit 10 million views at halos isang milyong likes.
Maraming netizens at fans din ang napa-wow sa comment section nang makita ang comment ng international singer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.