Alex Gonzaga humagulgol sa pelikulang ‘Firefly’: ‘Gusto ko lalo maging mommy!’
IBINANDERA ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga ang kanyang pagkamangha sa production team at cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Firefly.”
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, inamin ni Alex na naiyak siya sa ganda ng pelikula.
Inihayag din ng vlogger na dahil sa MMFF film ay lalo niyang gustong magkaroon ng anak.
“[Mamamatay] ako kakaiyak! Ang ganda ng kwento. Ang cute-cute ni Tonton,” sey niya sa IG na tinutukoy ang isa sa mga bida ng pelikula na ang child actor na si Euwenn Mikaell.
Dagdag pa niya, “Kahit wala pa ako anak, sobra iyak ako.”
Baka Bet Mo: MMFF 2023 REVIEW: ‘Firefly’ tagos sa puso, Dingdong nagpaiyak sa ending
Kasunod niyan ay lubos niyang pinuri ang mahusay na pagganap at pag-arte ni Euwenn.
Mensahe niya kalakip ang litrato ng tsikiting, “@euwenn_mikaell cute at galing mo!! Gusto ko lalo maging mommy dahil sa character mo.”
Hindi pa riyan natapos ang aktres dahil ibinahagi niya rin ang throwback picture ng kanyang mister na si Mikee Morada at sinabing na-imagine niya ang asawa noong bata pa ito.
“Kaya ako iyak ng iyak sa ‘Firefly’ iniisip at imagine ko si Mikee ‘yung bata hinahanap mama niya [crying face emoji],” chika ng vlogger.
Maliban kay Euwenn, tampok rin sa “Firefly” sina Alessandra De Rossi, Dingdong Dantes, Epy Quizon, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Cherry Pie Picache, Yayo Aguila, Max Collins at Kokoy de Santos.
Ang pelikula ang nagwagi ng “Best Picture,” “Best Screenplay,” at “Best Child Performer” awards sa nakaraang Gabi ng Parangal ng MMFF 2023.
Samantala, taong 2020 nang ikinasal sina Alex at Mikee sa isang private wedding na ginanap sa Gonzaga residence sa Taytay, Rizal.
Noong October 2021 nang makunan ang aktres sa first baby nila ng mister dahil sa “blighted ovum,” isang kundisyon na ang fertilized egg ay naka-attach sa uterine wall pero hindi nag-develop ang embryo nito.
Nobyembre ng nakaraang taon nang ibinunyag ni Alex ang ikalawang beses na nakunan siya nang dahil naman sa in-vitro fertilization.
Sa kabila ng mga pagsubok na hinarap ng mag-asawa, patuloy pa rin silang umaasa na bibiyayaan sila ng anak sa tamang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.