Alessandra kering-keri maging nanay, super proud sa MMFF entry na ‘Firefly’
“KAHIT hindi pa talaga siya nagiging nanay sa totoong buhay, feel na feel ni Alessandra de Rossi ang kanyang karakter sa pelikulang “Firefly.”
Isa ito sa talagang inaabangan ng mga Pinoy sa nalalapit na pagsisimula ng Metro Manila Film Festival 2023 mula sa GMA Public Affairs at GMA Pictures.
Ayon kay Alex, excited na siyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng mga taong manonood sa “Firefly” sa mga sinehan simula sa December 25.
At isa nga sa mga wish niya ngayong darating na Pasko ay ang sumugod at pumila muli ang sambayanang Filipino sa mga sinehan at suportahan nang bonggang-bongga ang kanilang pelikula at ang iba pang entry sa MMFF 2023.
View this post on Instagram
Kahapon sa grand mediacon ng “Firefly”, natanong si Alessandra kung paano niya pinaghandaan ang role niya bilang nanay ng child star na si Euwenn Mikaell sa kuwento.
“Hindi ako ma-prepare na tao. Kapag nasa shoot, iyon na yon. Kasi gusto ko naturally na ma-process ko sana yung character ko. Wala na akong kailangang i-prepare,” pahayag ng award-winning actress.
Baka Bet Mo: Alessandra hindi nahirapang gumanap na nanay sa MMFF entry na ‘Firefly’, humugot sa mga alagang bird
Sa pelikula, gumaganap si Alex bilang si Elay, ang mabait at mapagmahal na nanay ni Tonton (Euwenn) na may malalim na hugot sa buhay dahil sa kanyang nakaraan.
May mangyayari kay Elay sa pelikula na magtutulak kay Tonton na maglakbay sa Bicol upang hanapin ang kuweba ng mga alitaptap kung saan niya makikilala ang mga taong tutulong sa kanya para tuparin ang pangako niya sa pinakamamahal na ina.
Sey pa ni Alex, isa sa mga ipinagpapasalamat niya ay ang nabuong samahan sa set ng “Firefly”, “We’re just a family. Masaya lahat kapag nagwo-work.”
Tinanggap daw agad ng dalaga ang pelikula matapos mabasa ang script, “Sobrang ganda ng kuwento, sabi ko nga para sa akin it’s something na ang tagal nang hindi nagagawa.
“Siguro dahil lahat tayo nalulunod sa comedy, romcom, wala na ‘yung mga pelikulang pambata. So, gusto kong gumawa ng ganong pelikula. So, sabi ko, it’s the perfect time,” pahayag pa ni Alex.
View this post on Instagram
Sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni Alessandra na siguradong mamahalin ng publiko si Euwenn kapag napanood na nila ang movie.
Baka Bet Mo: Alessandra de Rossi sa netizen na nagsabing ‘pinakapangit’ ang movie niya kasama si JM de Guzman: Patawarin mo ako?
“‘Yung bata, kapag nagkukuwento ang isang ina, kapag gumana ang imagination ng bata, sobrang kulay niya, di ba? Parang, ganu’ng klaseng innocence, wala na tayo nu’n.
“‘Yung dati, kapag bata ka, talagang sky’s the limit, di ba? Parang pwede kang lumipad in your imagination,” dagdag na chika pa ng aktres about their movie.
Sa direksyon ni Zig Dulay, ang “Firefly” ay pinagbibidahan din nina Dingdong Dantes, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Yayo Aguila, Cherry Pie Picache, Epy Quizon at Max Collins.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.