Empoy nagkagusto nga ba kay Alessandra de Rossi, may bagong pinopormahan? | Bandera

Empoy nagkagusto nga ba kay Alessandra de Rossi, may bagong pinopormahan?

Therese Arceo |October 20,2023
facebook
share this

Empoy nagkagusto nga ba kay Alessandra de Rossi, may bagong pinopormahan?

Therese Arceo - October 20, 2023 - 09:25 PM

Empoy nagkagusto nga ba kay Alessandra de Rossi, may bagong pinopormahan?

DIRETSAHANG sinagot ng actor-comedian na si Empoy ang tanong kung nagkagusto ba siya sa kanyang naging leading lady na si Alessandra de Rossi.

Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” kasama si Jayson Gainza nitong Huwebes, October 19, nausisa ang komedyante kung may naramdaman ba siyang pagkagusto kay Alex.

“Hindi po. Kapatid po turing ko do’n,” sagot ni Empoy.

Matatandaang nagkasama sa 2017 film na “Kita Kita” na itinalagang highest-grossing Philippine independent film.

Bumida rin sina Alex at Empoy sa pelikulang “Walang Kaparis” na ipinalabas ngayong taon.

Matapos ito ay nausisa naman ang komedyante kung sino ang “Analyn” na binabanggit ni Jayson habang nagkukuwentuhan silang tatlo.

Baka Bet Mo: Empoy na-trauma sa lovelife, natakot magkadyowa uli; Cristine goodbye sa pagpapaseksi: ‘Gusto ko muna sa General Patronage’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bago kasi sumalang sa “Fast Talk” ay natanong na sila ni Jayson kung sino sa kanila ang mas habulin ng babae.

Agad namang itinuro ng dating “Pinoy Big Brother” housemate ang kaibigan.

Bukod pa rito, tila inilaglag pa niya si Empoy ukol sa nangyari sa nagdaang GMA Gala.

Makikita namang pilit na pinipigilan ng komedyante ang kaibigan na magkuwento.

Dito ay kinamusta na ni Tito Boy kung kumusta ang love life ni Empoy.

“Ok naman po, looking for someone,” sagot nito.

Tila may itinatagong pagka-crush si Empoy kay “Analyn” na laging itinutukso sa kanya.

Nang usisain naman ni Tito Boy kung sino si “Analyn” ay pabirong tumayo ang komedyante at hinila ang kaibigan habang pabirong sinasabi na tapos na ang kanilang guesting.

Ang “Analyn” pala na binabanggit ay si Analyn Barro na mapapanood sa “Bubble Gang”. Ito ay mismong binanggit ni Jayson habang nagkukulitan sila nina Empoy.

Biniro pa nga ni Tito Boy ang komedyante at kunyari’y kausap niya ito.

Ayon kay Empoy, sa premier night ng “Five Break Ups and a Romance” sila nagkasama ni Analyn at hindi sa GMA Gala.

Hirit ng King of Talk, movie date raw ba ang nangyari.

“Hindi po. Nagkita lang kami doon. Kaibigan ko si Analyn,” seryosong sey ng Empoy.

Nang tanungin kung nililigawan niya ang dalaga, aliw ang naging sagot ng komedyante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi po. Nagpapa-pasa load lang po ako,” sagot ni Empoy sabay sinabunutan ni Jayson.

Related Chika:
Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal

Alessandra, Empoy balik-tambalan after 6 years, netizens abangers na: ‘Ay gusto ko ‘to…from Japan to Paris!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending