Empoy na-trauma sa lovelife, natakot magkadyowa uli; Cristine goodbye sa pagpapaseksi: 'Gusto ko muna sa General Patronage' | Bandera

Empoy na-trauma sa lovelife, natakot magkadyowa uli; Cristine goodbye sa pagpapaseksi: ‘Gusto ko muna sa General Patronage’

Ervin Santiago |August 22,2023
facebook
share this

Empoy na-trauma sa lovelife, natakot magkadyowa uli; Cristine goodbye sa pagpapaseksi: ‘Gusto ko muna sa General Patronage’

Ervin Santiago - August 22, 2023 - 07:52 AM

Empoy na-trauma sa lovelife, natakot magkadyowa uli; Cristine pahinga muna sa pagpapaseksi: 'Gusto ko muna sa General Patronage'

Empoy Marquez at Cristine Reyes

SINGLE na single pa rin hanggang ngayon ang komedyanteng si Empoy Marquez pero hindi naman daw siya malungkot o feeling empty kahit na walang dyowa.

Ayon kay Empoy, medyo na-trauma siya sa huling pakikipagrelasyon kaya medyo natakot daw siyang manligaw at magkadyowa uli pagkatapos masawi sa pag-ibig.

Sa nakaraang presscon ng bagong pelikula ni Empoy na “Kidnap for Romance” kung saan first time niyang makakatambal si Cristine Reyes, natanong kung kumusta ang kanyang lovelife.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“As of now, wala po akong lovelife pero may ‘kalaro’ po ako lagi. Tulad nga ng sabi ni AA (palayaw ni Cristine), ‘Private life is the better life with the time,’” chika ni Empoy.

Pagpapatuloy pa ng komedyante, “Mula po kasi noong medyo nasaktan ako before, ngayon may asawa na iyon, natakot akong sumubok uli. Pero I think darating naman yung bigay ni God sa atin.”

Samantala, hindi naman na-imagine nina Cristine at Empoy na darating ang araw na magtatambal sila sa isang pelikula. Sabi ni Cristine, “Sobrang excited ako. Masayang katrabaho itong si Empoy. We worked together in a teleserye before (sa Kahit Isang Saglit).

“But this is our first film together. So when I learned that I would be working with Empoy, excited ako,” aniya pa.

Hirit naman ni Empoy, “Parang nananaginip ako nang malaman ko ‘yun. Para sa akin, laro-laro pa rin ang pagkakataon. Thankful ako na binigyan ako ng Viva ng pagkakataon at nagkaroon sila ng tiwala ulit sa isang katulad ko.”

Baka Bet Mo: Empoy gumanti kay Alessandra, may bagong proyektong pagsasamahan?

Natanong din ang komedyante kung ano ang magiging pagkakaiba ng tambalan nila ni Alessandra de Rossi sa pelikula nilang “Kita Kita” na ipinalabas noong 2017 sa loveteam nila ni Cristine sa “Kidnap For Romance.”

“Iba naman ang tandem namin ni Alessandra. Kami ni Cristine, iba naman ang ipapakita namin dito sa ‘Kidnap for Romance.’ Hindi naman ako na-pressure dito. Eksakto lang. Ang aim namin magpasaya ng tao,” sey ni Empoy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I really enjoyed making ‘Kidnap for Romance’. Paborito ko sa lahat talaga, gumawa ng comedy. Kaya nag enjoy ako talaga sa movie na ito.

“Kahit na inaabot kami ng ala-tres sa shooting, puyatan at umaga na kami natatapos, energetic pa rin ang cast and crew. Very excited ako sa team-up namin ni Empoy. Pero parang ako lang ang excited,” aniya pa.

Dagdag ni Cristine, after doing dramatic films, sexy, romance, pati na rin action, “Gusto ko dito na lang muna sa General Patronage na may matututunan ang mga tao.

“Gumawa tayo ng something na makakabalik tayo sa community natin, makakapagpaligaya tayo and entertain, hindi lang bagay na walang kabuluhan.

“If we get good criticism after we make this movie, I’ll take that. If it’s negative criticism and comments, we will not allow that to enter our minds,” esplika pa niya.

Natatawa pang paglalarawan niya kay Empoy, “Kagalang-galang siya sa set. Prim and proper siya at serious sa set. In real life, seryoso siya talaga.

“Si Empoy napakatotoong tao. What you see is what you get. Kahit pagod na pagod na siya, tuloy tuloy pa rin sa work. Happy ako talaga to work with Empoy,” dagdag pa ng komedyante.

Hirit naman ni Empoy about her new leading lady, “Nakakatawa siya sa totoong buhay. Hindi niya kailangan gumaya sa iba. Organic siya. May sarili siyang portrayal.”

Empoy handa nang magkapamilya, never niligawan si Alessandra: ‘Mas masarap siya bilang kaibigan kesa syota’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alessandra, Empoy balik-tambalan after 6 years, netizens abangers na: ‘Ay gusto ko ‘to…from Japan to Paris!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending