Empoy handa nang magkapamilya, never niligawan si Alessandra: 'Mas masarap siya bilang kaibigan kesa syota' | Bandera

Empoy handa nang magkapamilya, never niligawan si Alessandra: ‘Mas masarap siya bilang kaibigan kesa syota’

Ervin Santiago |March 29,2023
facebook
share this

Empoy handa nang magkapamilya, never niligawan si Alessandra: ‘Mas masarap siya bilang kaibigan kesa syota’

Ervin Santiago - March 29, 2023 - 06:25 AM

Empoy handa nang magkapamilya, never niligawan si Alessandra: 'Mas masarap siya bilang kaibigan kesa syota'

Empoy Marquez at Alessandra de Rossi

HANDA nang magkaroon ng sariling pamilya ang komedyanteng si Empoy Marquez, pero hindi naman daw siya talaga naghahanap ng magiging dyowa.

Ayon kay Empoy, mas naniniwala pa rin daw siya sa destiny — na kahit hindi raw siya maghanap ng babaeng magiging girlfriend niya ay darating at darating ito kung talagang itinadhana.

Yan ang nasabi ng binata sa interview ni Karen Davila para sa YouTube vlog nito nang mapag-usapan nga nila ang tungkol sa kanyang future.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Empoy (@empoy)


Sabi pa ni Empoy, looking forward din siya sa pagkakaroon ng mga anak, “‘Yun po talaga ‘yung dini-desire ko kay God talaga dahil lahat ng kapatid ko may family na, ako naman for this age ‘yung (pagpapakasal) or something.”

Baka Bet Mo: Alessandra de Rossi may isang bagay na sobrang kinatatakutan

Inamin ni Empoy single siya ngayon, kaya ang tanong sa kanya ni Karen kung naghahanap ba siya ngayon ng posibleng maging partner niya, “Siguro po masasabi ko diyan, hindi naman  po.

“Before po searching ako pero dun pa rin ako bumase kung sino ‘yung ipro-provide nung nasa itaas, ‘yung sa right timing po talaga,” tugon ng komedyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Empoy (@empoy)


Sa tanong kung tinangka ba niyang ligawan ang leading lady niyang si Alessandra de Rossi, isang mariing hindi ang kanyang sagot.

“Mas gusto ko na magkaibigan kami. Mas masarap siya bilang kaibigan kesa syota,” ani Empoy.

Samantala, naibahagi rin ni Empoy na naging breadwinner siya ng kanilang pamilya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

“Pumasok ako sa pagiging lightman, nagla-lightman ako sa mga kasal at debut. Bago ako nag-fast food, nanahi ako ng mga book binder para sa mga wedding naman and birthdays,” kuwento ng aktor.

At sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa showbiz, “Siyempre po hindi po ako makapaniwala pa rin. ‘Yung mga nakaraang taon or buwan nung nagnilay-nilay ako, nagmumi-muni ba.

“Sabi ko ito pala ‘yung mga pinaghirapan ko, something ganyan, kapag naiisip ko, kailangan ko siyang alagaan at pahalagahan,” aniya pa.

Unang sumikat si Empoy nang manalo siya sa “Mr. Suave” segment “Magandang Tanghali Bayan” ng ABS-CBN noong 2003.

Alessandra, Empoy balik-tambalan after 6 years, netizens abangers na: ‘Ay gusto ko ‘to…from Japan to Paris!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending