Alessandra, Empoy balik-tambalan after 6 years, netizens abangers na: ‘Ay gusto ko ‘to…from Japan to Paris!’ | Bandera

Alessandra, Empoy balik-tambalan after 6 years, netizens abangers na: ‘Ay gusto ko ‘to…from Japan to Paris!’

Pauline del Rosario |March 05,2023
facebook
share this

Alessandra, Empoy balik-tambalan after 6 years, netizens abangers na: ‘Ay gusto ko ‘to…from Japan to Paris!’

Pauline del Rosario - March 05, 2023 - 02:03 PM
Alessandra, Empoy balik-tambalan after 6 years, netizens abangers na: ‘Ay gusto ko ‘to…from Japan to Paris!’

PHOTO: Instagram/@empoy

MATAPOS ang anim na taon, muling magtatambal sa isang bagong pelikula ang aktres na si Alessandra De Rossi at komedyante na si Empoy!

Kung noong una ay sa Japan ginawa ang kanilang romantic comedy film, aba, ngayon naman ay sa tinaguriang “City of Love” – ang Paris.

Ang kanilang bagong proyekto ay pinamagatang “Walang Kaparis” na ipapalabas simula March 23 sa Prime Video.

Sa Instagram, ramdam na ramdam ang pagiging excited ni Alessandra sa upcoming film.

Caption niya sa post, “Ang pagbabalik ng economy class tandem, na tatalunin ang pa-world class! Walang ganun! Kami na to! We’re back and we’re back to back!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi)

May post din si Empoy sa kanyang IG account na tila inaasar pa ang kanyang ka-love team.

Lahad niya sa IG, “Hindi ko alam Kung kinikilig ka sakin dahil kras mo talaga ako [happy face with hearts emoji]  oh nasisikipan ka sa Damit na suot mo [peace sign emoji] Or exited ka na dahil sa March 23 na po ang WALANG KAPARIS.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Empoy (@empoy)

Ang bagong pelikula ng dalawa ay mula sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo na naging direktor din ng una nilang pinagsamahang pelikula.

Ang “Walang Kaparis” ay tungkol sa isang Pinoy artist na nakabase sa Paris na madalas ipinta ang sinasabi niyang “the one” ng kanyang buhay kahit hindi pa niya ito nakikita o nakikilala.

Pero isang araw ay may biglang lumapit sa kanyang babae at sinabing siya ‘yung ipinipinta niya.

Matatandaang noong 2017 pa nang huling magtambal sina Alessandra at Empoy sa pelikulang “Kita Kita.”

Bukod sa magandang lokasyon ng pelikula na kinunan sa Japan ay talaga namang effortless ang chemistry ng love team kaya naman hindi kataka-taka na tumabo ito sa takilya at kumita ng mahigit P300 million.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Empoy gumanti kay Alessandra, may bagong proyektong pagsasamahan?

Alessandra de Rossi may isang bagay na sobrang kinatatakutan

Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending