Empoy Marquez nagkaka-'crush' ba sa mga naging leading ladies?

Empoy Marquez nagkaka-‘crush’ ba sa mga naging leading ladies?

Pauline del Rosario - October 19, 2024 - 11:19 AM

Empoy Marquez nagkaka-'crush' ba sa mga naging leading ladies?

PHOTO: Instagram/@empoy

BINANSAGANG “Ultimate Leading Man” ang actor-comedian na si Empoy Marquez dahil sa iba’t-ibang aktres na kanyang natatambalan sa mga proyekto.

Pero ang tanong, sa dami ng kanyang on-screen partners, kahit minsan ba ay nahulog na ang kanyang loob sa mga ito?

Sinagot na ‘yan mismo ng komedyante nang maging guest siya sa latest podcast episode ng “Update with Nelson Canlas” at base na rin sa ulat ng GMA.

Ayon kay Empoy, iniiwasan niyang magka-crush sa kanyang leading ladies dahil ito ang kanyang paraan upang ipakita ang kanyang respeto.

“Gusto ko kasi kapag naging leading lady ko sila, gusto ko kapag nagkaroon ulit ng pagkakataon some other time na magkasama ulit kami sa movie o sa mga ibang project, gusto ko nandoon pa rin ‘yung pagiging magkaibigan namin,” sey ng aktor.

Baka Bet Mo: Empoy handa nang magkapamilya, never niligawan si Alessandra: ‘Mas masarap siya bilang kaibigan kesa syota’

Nag-follow up naman ang entertainment reporter at pabirong inusisa kung ang leading ladies niya ang nagkaka-crush sa kanya.

Pabiro rin ang isinambit diyan ni Empoy: “’Yan ang hindi ko mapipigil kasi halata naman.”

Kung matatandaan, ang unang naging katambal ng komedyante ay si Alessandra de Rossi sa hit movie na “Kita Kita.” 

Pagbubunyag ni Empoy, marami siyang na-discover sa aktres na hindi alam ng maraming tao.

“Kasi every time na mapapanood ko siya kahit saan siya, sobrang brilliant niya e, pero ‘yung mga tao, hindi nila kilala personally si Alessandra, mabait na tao si Alex,” kwento niya.

Chika pa niya, “Tapos akala nila suplada, pero tingin lang siya na ganu’n pero napakakalog niyan. Actually, mas komedyante pa nga sa’kin sa totoong buhay kapag out of camera e.”

Nabanggit din sa interview ang huling naka-love team ni Empoy na si Herlene Budol sa hit action series na “Black Rider.”

Pag-amin ng komedyante, itinuturing niyang “baby sister” ang beauty queen-actress.

“Parang baby sister ko na sa totoong buhay [si Herlene] kasi kuya talaga tawag niya sa amin nila Jayson (Gainza), nila Ruru (Madrid), ganiyan,” sambit ng komedyante.

Aniya pa, “Pero approachable siya, mabait, tapos maalalahanin, laging nagpapakain sa set. Para sa’kin, it’s a 10. Out of the universe. Hindi mabait ‘yan, lab ko ‘yan.”

Kung matatandaan last year, naikuwento ni Empoy na medyo na-trauma siya sa huling naging dyowa kaya medyo natakot na siyang umibig ulit.

“Mula po kasi noong medyo nasaktan ako before, ngayon may asawa na iyon, natakot akong sumubok ulit. Pero I think darating naman yung bigay ni God sa atin,” wika niya noon sa isang press conference.

Pero nilinaw naman niya na hindi siya feeling empty kahit siya ay single.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ine-enjoy ko lang yung buhay ko sa mga ginagawa ko at sa family ko,” saad niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending