Marco Gumabao matagal nang ‘crush’ si Cristine Reyes

Marco Gumabao matagal nang ‘crush’ si Cristine Reyes, ibinuking na selosa ang aktres

Pauline del Rosario |June 25,2023
facebook
share this

Marco Gumabao matagal nang ‘crush’ si Cristine Reyes, ibinuking na selosa ang aktres

Pauline del Rosario - June 25, 2023 - 05:03 PM

Marco Gumabao matagal nang ‘crush’ si Cristine Reyes, ibinuking na selosa ang aktres

PHOTO: Instagram/@cristinereyes

CRUSH mo lang dati, dyowa mo na ngayon.

‘Yan ang naging peg ng aktor na si Marco Gumabao matapos umaming nagkagusto siya sa girlfriend na aktres na si Cristine Reyes noong una pa lang sila nagkakilala.

Sumalang ang celebrity couple sa “Lie Detector Test” YouTube vlog ng award-winning actress na si Bea Alonzo at dito sila inintriga patungkol sa kanilang relasyon.

Tanong ni Bea kay Marco, “Even before you met her, crush mo na siya?”

Mabilis na sagot ng aktor, “Oo. Crush ko na siya talaga before pa.”

“I remember before lagi kapag tinatanong ako, siya ‘yung sinasagot ko e,” chika pa niya.

Kasunod niyan ay inamin ni Cristine na si Marco ang pinakabata na naka-date at naging dyowa niya.

Mukang super happy naman ang aktres dahil para sa kanya ay perfect boyfriend ang aktor.

Baka Bet Mo: Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

“Parang perfect boyfriend to e,” sey ng aktres.

Paliwanag niya, “Kasi si Marco, alam mo ‘yung naiintindihan niya lahat. Parang hindi ako makapaniwala at his age.”

Nang tanungin naman sila kung sino ang unang nag-”I love you” sa dalawa.

Inamin agad ni Marco na siya ang unang nagpahayag ng pag-ibig kay Cristine at ito ay nangyari noong nagbakasyon sila sa Siargao.

“Sino ang unang nag-I love you?,” usisa ni Bea.

Pag-amin ng aktor, “Ako…Nasa Siargao kami. Matagal ko nang gustong sabihin, but I was looking for the right moment.”

Pagkatapos naman ng mga nakakakilig na aminan ng dalawa ay ibinuking ni Marco na selosa ang kanyang girlfriend.

Deretsahang tanong ni Bea, “Selosa ba si Aa [Cristine]?”

Natatawang sinagot ni Marco, “Yes.”

Pero pagdedepensa naman ng aktres, “Nasa lugar ang pagseselos ko.”

Sumang-ayon naman diyan ang aktor at sinabi niya na sinusuyo naman niya agad ang kanyang girlfriend sakaling may pinagseselosan ito.

Matatandaan noong Abril nang maging Instagram official ang celebrity couple.

Pero bago ‘yan ay matagal nang nababalita na magkarelasyon na sina Cristine at Marco dahil ilang beses na silang nakitang magkasama sa iba’t ibang lugar na pinupuntahan nila.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marco Gumabao ibinandera na ang relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘You are my home and my adventure all at once’

Cristine inakalang hindi na makakabalik sa showbiz matapos unahin ang pamilya: ‘Nawala ang lahat sa akin at napakahirap nu’n’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending