Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: 'Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin' | Bandera

Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

Ervin Santiago |March 08,2023
facebook
share this

Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

Ervin Santiago - March 08, 2023 - 01:58 PM

Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: 'Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin'

Marco Gumabao at Cristine Reyes (Photo from jcdogrepublic)

KALAT na ngayon ang balita na nagkakamabutihan na raw ang hunk actor na si Marco Gumabao at ang award-winning actress na si Cristine Reyes.

Nakitang magkasama at sweet na sweet daw ang dalawa habang nagbabakasyon sa Siargao kaya naman ang paniwala ng kanilang mga fans, may something nang namamagitan sa kanila.

Bukod sa namataang magkasamang nag-scuva diving sina Marco at Cristine sa isang lugar sa Siargao ay naispatan din sila na namimili ng mga gamit para sa kanilang mga alagang aso.

Tweet ng isang netizen, “Speaking of Marco, sila pala ni Cristine Reyes no?” kalakip ang screenshot mula sa isang video na pinaniniwalaang kuha pa raw noong January.

Sa vlog ni Ogie Diaz ay natalakay din kung may “something” na nga ba kina Marco at Cristine.

Tinanong ng talent manager at content creator ang aktor kung nililigawan na ba niya si Cristine o in a relationship na sila. Ang maiksing sagot lang daw sa kanya ni Marco ay, “Itanong mo sa kanya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Samantala, kagabi ay nakachikahan namin si Marco pagkatapos ng presscon para sa bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Baby Boy, Baby Girl” kasama si Kylie Verzosa, at natanong nga namin sa kanya kung sila na ba talaga ni Cristine.

“Kami ni Cristine, we’ve worked together since 2016 actually first teleserye ko, it was ‘Tubig at Langis’ and I can say that we have formed a good relationship and solid friendship throughout the years,” tugon ni Marco na atubilh pang sumagot nu’ng una.

Baka Bet Mo: Cristine umiyak nang aluking magbida sa project tungkol sa marital affairs: OMG! I was shocked!

Patuloy niya, “Recently, we’ve been very, very close, we’ve been working out together and hanging out a lot.

“Cristine is a very honorable person, click kami in terms of mga trip namin sa buhay, ugali namin, nagko-complement kami with each other,” sabi pa ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Sundot na tanong namin, “Wala pa bang label?” Na sinagot niya ng, “Ha? Ano yun? Ha-hahaha! Basta pag ano, malalaman n’yo naman pag ano na.”

Pero pwedeng-pwedeng magtuloy sa seryosong relasyon o commitment yung special friendship nila ni Cristine? “Well, nasa kanya na yun!” ani Marco sabay tawa.

Waiting pa rin ang madlang pipol sa magiging pahayag ni Cristine about Marco.

Samatala, balik-tambalan nga sina Marco at Kylie sa sexy-romcom movie na “Baby Boy, Baby Girl” mula sa Viva Films, at sa direksyon ni Jason Paul Laxamana. Gaganap silang mga sugar babies sa kuwento na naghahanap ng tunay na kaligayahan.

Kasama rin dito sina Giselle Sanchez as Marco’s sugar mommy, Rey Abellana as Kylie’s sugar daddy, Yen Durano, Gino Roque, Migo Valid at Andrea Babiera bilang mga sugar babies. Showing na ito sa March 22 sa mga sinehan nationwide.

Cristine inakalang hindi na makakabalik sa showbiz matapos unahin ang pamilya: ‘Nawala ang lahat sa akin at napakahirap nu’n’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit nainis si Imee Marcos sa panggagaya sa kanya ni Cristine Reyes sa ‘Maid In Malacañang’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending