Cristine Reyes bumagsak, tumama ang likod sa sahig; na-diagnose ng 'mild disc bulge' Bandera

Cristine Reyes bumagsak, tumama ang likod sa sahig; na-diagnose ng ‘mild disc bulge’

Ervin Santiago |September 28,2022
share this

Cristine Reyes bumagsak, tumama ang likod sa sahig; na-diagnose ng ‘mild disc bulge’

Ervin Santiago - September 28, 2022 - 02:20 PM
Cristine Reyes bumagsak, tumama ang likod sa sahig; na-diagnose ng 'mild disc bulge'

Cristine Reyes

MATINDING sakit sa likod ang nararanasan ngayon ng aktres na si Cristine Reyes matapos maaksidente habang nagwo-workout.

Ibinahagi ni Cristine ang isang video sa kanyang social media account kung saan makikitang sinusubukan niyang mag-head stand.

Sa isang bahagi ng video ay kitang-kita nang mawalan siya ng balanse  kaya tumama sa sahig ang kanyang likod.

At dahil dito, ramdam na ramdam daw niya ang matinding pananakit sa kanyang lower back kaya agad na siyang nagpa-check-up. Sa katunayan, tatlong beses pa siyang nagpasuri sa mga espesyalista.

Ayon sa mga doktor na tumingin sa kanya, nagkaroon siya ng mild disc bulge sa kanyang lumbar.

“Here I am today awesomely flipped over and slammed my back,” simulang pagbabahagi ng sisteraka ni Ara Mina.


“I have had 2 orthopedic surgeons check my lumbar MRI last week and a third opinion early this morning from an arthroscopic surgeon.

I’ve been experiencing excruciating lower back pain. All 3 surgeons said the same thing,” dagdag pa niya tungkol sa kanyang health condition.

Sinabihan naman ni Cristine ang lahat ng mga taong nag-alala sa kanyang kundisyon na nagpapagaling na siya ngayon at nabigyan na rin ng prescription medicines para makontrol ang nararamdamang sakit.

“I will be expecting a massive muscle spasm later for that classic fall I just recorded just now. Apparently, I have a mild disc bulge in my lumbar. At least, I now have prescription medz,” sey pa ni Cristine.

Ilang kaibigan naman niyang celebrities ang nag-post ng kanilang mensahe para sa premyadong aktres.

“Hala A (palayaw ni Cristine) ui sana ok ka lang A be better soon A pero ang galing mu sa dulo,” ang pahayag ni Melai Cantiveros.

Mensahe naman ni Karen Davila, “Praying for your quick recovery Cristine.”

“Ooohhhh ouch. Same kayo ni Rock. Naganyan din lumbar nya sakit nga daw nyan,” comment ni Jade Lopez.

Cristine sa pagganap bilang Imee Marcos: Ang tindi ng pressure, pinag-aralan ko talaga bawat kilos at salita niya, pati ikot ng mata

Cristine umiyak nang aluking magbida sa project tungkol sa marital affairs: OMG! I was shocked!

Bakit nainis si Imee Marcos sa panggagaya sa kanya ni Cristine Reyes sa ‘Maid In Malacañang’?

Herlene Budol bidang-bida na sa ‘Ang Babae sa Likod ng Face Mask’; Kit Thompson naluha sa presscon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending