Cristine 6 years nang single, balak ipa-background check ang mga manliligaw: 'Masaya naman ako kahit walang lalake!' | Bandera

Cristine 6 years nang single, balak ipa-background check ang mga manliligaw: ‘Masaya naman ako kahit walang lalake!’

Ervin Santiago - February 12, 2023 - 08:27 AM

Cristine Reyes 6 years nang single, balak ipa-background check ang mga manliligaw: 'Masaya naman ako kahit walang lalake!'

Cristine Reyes, Vic del Rosario at Veronique del Rosario

MATAGAL-TAGAL na ring single ang award-winning actress na si Cristine Reyes at mukhang wala na talaga sa mga priority niya sa buhay ang magkadyowa uli.

Sabi ni Cristine, mas masaya at mas tahimik na raw ang buhay niya ngayon at super happy and contented kasama ang kanyang walong taong gulang niyang anak na si Amara.

Nakachikahan namin si Cristine kamakalawa, February 10, kasama ang ilang piling miyembro ng entertainment media, para sa muli niyang pagpirma ng exclusive contract sa Viva Artists Agency.

Kinumusta namin siya sa ilang years ng pagiging single mom at kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang bagong lovelife.

“I don’t even feel I am a single mom because I am happy and contented with my life,“ ang pahayag ng premyadong aktres na nagdiriwang din ng kanyang 20th anniversary sa showbiz.

Cristine sa pagganap bilang Imee Marcos: Ang tindi ng pressure, pinag-aralan ko talaga bawat kilos at salita niya, pati ikot ng mata

Six years nang single ngayon si Cristine at hindi naman niya napi-feel na may kulang sa buhay niya dahil nga nandiyan naman ang kanyang anak.

“Amara is my fortress and she completes me. I am thankful that I have a child na napakabait at matalino at napapatahimik ako,” aniya pa.

Sa question kung ano ang plano niya sa darating na Valentine’s Day? “Actually, I have a date! Si Amara!” Na sinundan ng tawanan ng press.

Paano kung may mag-invite sa kanya ng date sa February 14? “Feeling ko dapat mag-background check muna tayo. Ha-hahahaha! Mas careful na dapat ngayon!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐅𝐚𝐜𝐞𝐛𝐨𝐨𝐤: 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐞 𝐑𝐞𝐲𝐞𝐬 (@cristinereyes)


At kung may magtangka namang manligaw sa kanya, “Ako kasi kapag naiisip ko yung nakaraan, parang, huwag muna. Ha-hahaha!”

Sundot na tanong namin kung na-trauma na ba siya sa  pakikipagrelasyon o sa mga lalaki,  “Hindi ko naman sasabihin na trauma siya. It’s just that I’ve learned my lessons, not to force this! I mean, hindi dapat pilitin.

“Masaya naman ako kahit walang lalake! Mas masaya nga kung puro beki ang kasama,” sey pa ni Cristine sabay tawa.

Cristine umiyak nang aluking magbida sa project tungkol sa marital affairs: OMG! I was shocked!

Samantala, naging emotional naman si Cristine sa pagpirma niya uli ng contract sa Viva Films. Aniya, 15 years na siya sa Viva kaya more than half ng showbiz career niya ay utang niya sa kumpanya ni Boss Vic del Rosario.

Ayon sa aktres, mahal na mahal daw siya ng Viva dahil noong panahong inakala niyang tapos na ang kanyang career matapos siyang mag-asawa at magkaanak, pati na noong naghiwalay sila ni Ali Khatibi, ay hindi siya binitiwan ng Viva.

“Nagtiwala sila sa akin. Naiiyak ako kapag naiisip ko ang importance na binigay nila sa akin,” ani Cristine na maituturing na rin ngayong Box-Office Queen dahil sa tagumpay ng “Maid In Malacañang.”

Ayon nga sa isa pang bossing ng Viva na si Veronique del Rosario,  anak ni Boss Vic, pang-forever na ang kontrata sa kanila ni Cristine.

Anyway, bukod sa part 2 ng “Maid in Malacañang” na “Martyr Or Murderer” mula sa dirensyon ni Darryl Yap, kung saan makakasama niya uli sina Ruffa Gutierrez, Cesar Montano at Diego Loyzaga, marami pang projects na naka-line up sa kanya ang Viva.

Nandiyan ang romcom movie niya na “Kidnap for Romance” kung saan makakatambal niya si Empoy Marquez at ang pelikulang pagsasamahan nila ni Baron Geisler.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristine Reyes binalikan ang trauma noong bata: I want to cut the curse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending