Empoy aminadong habulin ng mga babae: ‘Maraming ganyan

Empoy aminadong habulin ng mga babae: ‘Maraming ganyan, ‘yung patay na patay sa akin’

Pauline del Rosario |September 10,2023
facebook
share this

Empoy aminadong habulin ng mga babae: ‘Maraming ganyan, ‘yung patay na patay sa akin’

Pauline del Rosario - September 10, 2023 - 12:37 PM

Empoy aminadong habulin ng mga babae: ‘Maraming ganyan, ‘yung patay na patay sa akin’

PHOTO: Facebook/Empoy

MATINIK pala pagdating sa mga babae ang comedian-actor na si Empoy Marquez.

‘Yan ang ibinunyag ng aktor sa nakaraang presscon ng bagong pelikula nila ni Cristine Reyes na “Kidnap for Romance.”

Natanong kasi siya ng entertainment press kung naniniwala siyang lapitin ng mga babae ang mga lalaking madalas magpatawa.

Agad namang sumang-ayon diyan si Empoy at sinabing, “Totoo po ‘yan kasi halos lahat ng mga kakilala kong komedyante… yun!”

“Ang taong nakakapagpasaya, madaling mahalin,” sey pa niya.

Paliwanag pa ng komedyante, “Kahit sino ka pa, kahit ano pa ang itsura mo, basta nakakapagpasaya ka, may magnet ka sa mga tao.”

“Hindi lang sa chicks kundi sa lahat ng mga tao,” ani pa ni Empoy.

Baka Bet Mo: Empoy todo-dasal na makita na ang kanyang ‘forever’, bet na ng sariling pamilya: Pwede na mag-settle down siguro

Tila naka-relate pa nga riyan ang aktor at inamin na kahit daw siya ay madalas lapitan at habulin ng mga babae.

“Hindi ko po sinasadya pero kusa po sila, e,” pag-amin niya.

Patuloy niya pa, “Maraming ganyan, ‘yung patay na patay sa akin, pero hindi ko talaga sinasadya. Pero ‘yun naman, naipagpipilitan naman nila ang sarili nila.”

Gayunpaman ay nananatiling single ang komedyante matapos makipaghiwalay sa dati niyang nakarelasyon.

Naikwento pa nga ni Empoy na medyo na-trauma siya sa huling naging dyowa kaya medyo natakot daw siyang umibig ulit.

“Mula po kasi noong medyo nasaktan ako before, ngayon may asawa na iyon, natakot akong sumubok ulit. Pero I think darating naman yung bigay ni God sa atin,” sambit ng komedyante.

Pero nilinaw naman niya na hindi siya feeling empty kahit walang dyowa.

“Ine-enjoy ko lang yung buhay ko sa mga ginagawa ko at sa family ko,” ani niya.

Samantala, kung gusto niyang matawa at umiyak ay panoorin niyo na ang sa mga lokal na sinehan ang “Kidnap for Romance” na first time pagtambalan nina Empoy at Cristine.

Related Chika:

Bea Alonzo nagpaka-’fangirl’ kay Michael V: Nakilala ko na sa personal si Bitoy!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Empoy handa nang magkapamilya, never niligawan si Alessandra: ‘Mas masarap siya bilang kaibigan kesa syota’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending