Bea Alonzo nagpaka-’fangirl’ kay Michael V: Nakilala ko na sa personal si Bitoy!
TILA nagkaroon ng fangirling moment ang Kapuso actress na si Bea Alonzo matapos makatrabaho ang comedian-actor na si Michael V.
Sa isang Instagram post, masayang ibinandera ni Bea ang ilang behind-the-scenes ng kanyang guesting sa TV sitcom series na “Pepito Manaloto.”
Excited pa niyang sinabi, “Nakilala ko na sa personal si Bitoy! [smiling face with hearts emoji]”
Inalala rin ng aktres na nag-guest din siya noon sa comedy show na “Bubble Gang” kung saan ay tampok din ang komedyante, ngunit hindi naman daw sila nagkaroon ng eksena together.
“When I guested on bubble gang last year, I thought I would have the privilege to do a skit with him, pero hindi pala, dahil ngayon pala ang perfect time para dun,” kwento niya.
At dahil nakatrabaho na niya sa wakas si Michael V., sinabi niyang kinilig siya.
Sey niya, “I did a guesting on Pepito Manaloto (a 12-year-old show! wow!) at kinilig ako, dahil nakagawa na ako ng eksena with the iconic Michael V.!”
Chika pa niya, dati pa niyang sinusubaybayan ang mga eksena na tampok ang komedyante.
“I remember growing up, pinapanood ko ang mga parodies nya at pagtatagalog ng western songs!,” sabi ng aktres.
View this post on Instagram
Maraming netizens naman ang napa-comment sa post ni Bea at agree na isa sa mga iconic comedian si Bitoy.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento sa IG post:
“Yas!! Baka Kuya Bitoy yan [red heart emoji] The Legend Michael V!!!”
“Forever a Michael V. fan!”
“Bea meets Bitoy! Both legends of Ph! [red heart emojis]”
“Lodi yan, sobra niyang ginagawang katatawanan yung sarili nya pero grabe yung respeto sa kanya ng mga tao. Forever fan.”
Related chika:
Paano nga ba nakilala ni Nadine Lustre ang French BF na si Christophe Bariou?
Michael V: Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.