Michelle Madrigal inaming nakilala ang bagong dyowa online, binansagang 'patron saint of dating apps' | Bandera

Michelle Madrigal inaming nakilala ang bagong dyowa online, binansagang ‘patron saint of dating apps’

Therese Arceo |December 23,2022
facebook
share this

Michelle Madrigal inaming nakilala ang bagong dyowa online, binansagang ‘patron saint of dating apps’

Therese Arceo - December 23, 2022 - 10:21 PM

Michelle Madrigal inaming nakilala ang bagong dyowa online, binansagang 'patron saint of dating apps' ng madlang pipol
PROUD na ibinahagi ng aktres na si Michelle Madrigal kung paano niya nakilala ang kasalukuyang boyfriend na si Kyle.

Sa kanyang YouTube vlog ay ikinuwento nga niya kung paano nagsimula ang kanilang love story at kung saan niya ito nakilala.

Pag-amin ni Michelle, sa isang dating app na “Hinge” niya nakilala at nakausap si Kyle.

“We met through Hinge, so it’s a dating app. Obviously, hindi ako masyadong lumalabas being a single mom. And nag-swipe siya at ako rin, and then we started chatting,” saad niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michelle Madrigal | Real Estate Agent (@mitch_madrigal)

Natuwa raw ang aktres sa profile picture sa

ng lalaki sa dating app dahil makikitang kasama nito ang kanyang mga anak.

“Nandon yung pictures ng kids niya. I also had my daughter sa profile ko. You could really tell kung ano ‘yung character ng lalaki the way they are sa kids nila,” lahad ni Michelle.

Dagdag pa niya, dahil abala siya sa pagiging single mom ay wala na siyang iras para lumabas at makipag-date kaya naman dating apps na lang ang kanyang nakagawiang gamitin.

Looking back, sa isang dating app rin na Tinder nakilala ng aktres ang dating asawang si Troy Woolfolk at nagbunga nga ang kanilang pag-iibigan ng isang cute baby girl.

Kaya naman biniro siya ng mga netizens at sinabihang “patron saint” ng mga dating apps.

“Sabi nila you’re the patron saint of dating apps na hahaha ikaw na Michelle,” comment ng isa sa kanyang YouTube vlog.

Sey naman ng isa, “You’re ever more radiant. Happy for you that you are now happier! Teach him Filipino words. Haha.”

“Happy for you Michelle!!! You deserve happiness, hoping for the best for you two. Glad you share this one with us, Happy that you found someone who’s willing to go to church with you,” dagdag naman ng isa.

Sa kabila nga ng pagsasapubliko niya kay Kyle ay ang pag-amin niya na sa ngayon ay wala pa silang label pero aware sila na gusto nila ang isa’t isa.

“I don’t want to put any label dahil hindi naman importante ‘yun. We have an understanding. I think we’re pretty much on the same page,” sey ni Michelle.

Related Chika:
Michelle Madrigal handa na sanang maging single forever pero na-in love uli: It’s so freeing to feel like a lady again

Michelle Madrigal inilibot ang non-showbiz dyowa sa Thailand at Pilipinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Michelle Madrigal payag pa ring magpakasal kahit nawasak ang unang kasal: Love is love!

Michelle Madrigal sa pagbabati nila ng ina makalipas ang ilang taon: Time heals all wounds talaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending