Michelle Madrigal feeling lucky sa asawang marunong makinig, mag-alaga
MAS gumaan at mas naging madali ang buhay ngayon ng dating aktres na si Michelle Madrigal sa piling ng kanyang ikalawang asawa na si Kevin Neal.
Nag-share sa social media ng isang appreciation post ang former Kapuso star para sa 1st monthsary nila ni Kevin bilang married couple. Ikinasal ang mag-asawa noong July 22, 2024.
Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Michelle ang ilang litrato nila ni Kevin na kuha sa kanilang intimate wedding kalakip ang kanyang madamdaming mensahe bilang isang happy wifey.
Sey ni Michelle, kahit isang buwan pa lamang silang nagsasama ng kanyang mister ay mas lalo raw gumaan ang buhay niya bilang asawa at nanay.
Ilan sa mga qualities ni Kevin na pinupuri niya ay ang pagiging responsableng tao nito bukod pa sa marunong itong makinig, mag-alaga, at magmahal hindi lang sa kanya kundi pati na sa anak niya sa una niyang husband na si Anika.
“One month of marriage with the man who makes life softer and sweeter. Grateful for a partner who listens, cares, and loves us both—my daughter and me.
“Together, we honor God and cherish each other, building a love that grows stronger every day. I love you handsome! @kneal5,” ang caption ni Michelle sa kanyang IG post.
Ang reaksyon naman ni Kevin sa post ng asawa, “Sharing this journey with you and Anika means everything to me. Happy 1 month, my love (heart emoji).”
Baka Bet Mo: Kevin Santos, non-showbiz wife malaki ang natipid sa pandemic wedding: Hindi ka pwedeng gastos nang gastos
July 31, 2023 nang ibandera ni Michelle sa pamamagitan ng Instagram video na hiwalay na siya sa dating boyfriend. Aniya sa caption, “I’m 34. Divorced. Single. Mom of 1. Healing & Happy.”
“I’m proud of her. She’s courageous, wiser & full of wisdom. Don’t underestimate what GOD can do to heal you. You just have to ask and surrender,” sabi pa niya.
June 12, 2024 naman ng magparamdam ang aktres na handa na uli siyang magpakasal sa lalaking ipinadala sa kanya ni Lord.
Unang na-divorce si Michelle sa first husband na si Troy Woolfolk, ang tatay ng anak niyang si Anika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.