Michelle tapos na sa 'waiting season', malapit nang ikasal

Michelle tapos na sa ‘waiting season’, malapit nang ikasal: Best decision!

Pauline del Rosario - June 13, 2024 - 01:58 PM

Michelle tapos na sa 'waiting season', malapit nang ikasal: Best decision!

PHOTO: Instagram/@mitch_madrigal

NATAPOS na ang “waiting season” ng dating aktres na si Michelle Madrigal!

Natagpuan na kasi niya ang “forever” at “the one” ng kanyang buhay.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ni-reveal ni Michelle ang itsura ng kanyang partner.

Hindi pa niya ibinunyag ang pangalan nito, pero proud niyang ibinandera na totoong engaged na sila.

Unang shinare ng celebrity mom ang video post ng cosmetic dentist na si Tejas Patel na makikitang niyayakap niya ang fiance.

“The best surprise ever!” caption pa niya sa IG.

Baka Bet Mo: Michelle Madrigal biktima ng sexual at child abuse sa loob ng ilang taon

Sumunod naman diyan ang ilang pictures ng kanyang partner at inilarawan ito bilang “partner in Christ,” “business partner” at “best step dad to Anika” na anak niya sa dating asawa na si Troy Woolfolk.

Sa isa pang IG Story, kinumpirma niya na ikakasal na siya sa kanyang current partner.

“[Damned] if you, [damned] if you don’t. No matter what you do, people will always have something to say. So, live your life and follow the path that God has given you,” panimula niya.

Chika pa ni Michelle, “I’ve kept my dating life very private since my last relationship, and choosing to stay quiet this time has been the best decision.”

“But yes, I am marrying the man God sent me during my waiting season,” ani pa niya.

Michelle tapos na sa 'waiting season', malapit nang ikasal: Best decision!

PHOTO: Instagram Stories/@mitch_madrigal

Matatandaan nitong Mayo lamang nang maging usap-usapan sa social media ang engagement ni Michelle matapos ibandera ang isang “date night” Instagram Reel.

Naging agaw-pansin kasi sa kanyang voice over nang banggitin ang salitang “fiancé” sa umpisa ng kanyang video.

“Hey y’all. So I took my fiancé to dinner to Hillside Farmacy last night,” sey niya habang ipinapakita ang ilang clips ng mga pagkaing inorder nila.

Sa dulo rin ng nasabing video, makikita sa kanyang daliri ang isang malaking diamond ring.

Noong August 2021, inamin ni Michelle na nagkasundo sila ng kanyang dating mister na tuluyan nang maghiwalay matapos ang kanilang pagsasama ng mahigit dalawang taon.

April 2022 naman nang ma-finalized ang kanilang divorce.

May isang anak sina Troy at Michelle na si Anika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong August 2022 naman ay ipinakilala ng celebrity mom ang “new guy” sa kanyang buhay at noong nakaraang taon lamang ay nagbakasyon sila sa Pilipinas at Thailand.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending