Michelle Madrigal engaged na ba?

Michelle Madrigal tinawag na ‘fiance’ ang ka-date sa video, engaged na ba?

Pauline del Rosario - May 26, 2024 - 11:24 AM

Michelle Madrigal tinawag na ‘fiance’ ang ka-date sa video, engaged na ba?

PHOTO: Instagram/@mitch_madrigal

“YOU’RE engaged?!”

‘Yan ang tanong ng maraming netizens sa dating aktres na si Michelle Madrigal matapos ibandera ang bagong Instagram Reel ng kanyang “date night.”

Naging agaw-pansin kasi sa kanyang voice over nang banggitin ang salitang “fiancé” sa umpisa ng kanyang video.

“Hey y’all. So I took my fiancé to dinner to Hillside Farmacy last night,” sey niya habang ipinapakita ang ilang clips ng mga pagkaing inorder nila.

Wala pang pa-face reveal si Michelle sa kanyang ka-date, pero mukhang nag-enjoy siya.

Baka Bet Mo: Michelle Madrigal ilang beses nang niloko ng lalaki, umaming nag-cheat sa ex-dyowa: ‘Gumanti lang ako!’

Ani niya, “It was such a memorable evening.”

Bago matapos ang video, makikita siyang umiinom at kitang-kita sa kanyang daliri ang isang malaking diamond ring.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michelle Madrigal 🇵🇭 (@mitch_madrigal)

Gulat na gulat naman ang fans sa tila naging anunsyo ni Michelle, lalo na’t ito ang unang beses na nag-open up siya patungkol sa bago niyang pag-ibig.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Wait.. you’re engaged!!!?! [ring emoji] congrats!”

“Okay but can we talk about the ‘Fiancé’? [smiling face with heart eyes emojis] can’t wait for the reveal!!”

“Can’t wait for the ‘Fiancé’-reveal thing! [smiling face with heart eyes emoji]”

“Ayan na naman, baka pumili ka na naman ng gwapo na iiwan ka lang.”

“Sana ito na siya Mitch, praying for you [folded hands emoji]”

Kung matatandaan noong August 2021, inamin ni Michelle na nagkasundo sila ng kanyang dating asawa na si Troy Woolfork na tuluyan nang maghiwalay matapos ang kanilang pagsasama ng mahigit dalawang taon.

April 2022 naman nang ma-finalized ang kanilang divorce.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May isang anak sina Troy at Michelle na si Anika.

Noong August 2022 naman ay ipinakilala ng celebrity mom ang “new guy” sa kanyang buhay at noong nakaraang taon lamang ay nagbakasyon sila sa Pilipinas at Thailand.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending