Michelle Madrigal ilang beses nang niloko ng lalaki, umaming nag-cheat sa ex-dyowa: 'Gumanti lang ako!' | Bandera

Michelle Madrigal ilang beses nang niloko ng lalaki, umaming nag-cheat sa ex-dyowa: ‘Gumanti lang ako!’

Ervin Santiago |January 11,2023
facebook
share this

Michelle Madrigal ilang beses nang niloko ng lalaki, umaming nag-cheat sa ex-dyowa: ‘Gumanti lang ako!’

Ervin Santiago - January 11, 2023 - 11:18 AM

Michelle Madrigal ilang beses nang niloko ng lalaki, umaming nag-cheat sa ex-dyowa: 'Gumanti lang ako!'

Michelle Madrigal at Kyle

DIRETSAHANG inamin ng dating sexy actress na si Michelle Madrigal na ginantihan niya noon ang isang nakarelasyon na nanloko sa kanya.

Kuwento ng celebrity mom, ilang beses na rin siyang “nabudol” pagdating sa pag-ibig kaya naman nang magkaroon ng chance, rumesbak daw talaga siya sa kanyang naging ex.

Sa latest YouTube vlog ni Michelle sumabak sila ng kanyang kapatid na si Ehra Madrigal sa usung-uso pa rin ngayon na “Never Have I Ever” challenge.

Isa sa mga pasabog na tanong ay, “Never have I ever been cheated on more than once by the same partner.”

“I have. I have. Galit? Ha-hahahaha! I have,” ang mabilis na sagot ni Michelle.

Aniya, mas katanggap-tanggap daw kung magkaibang lalaki ang nag-cheat sa kanya pero same guy nga ito kaya naloka siya nang bonggang-bongga.

“Kahit nga nasaktan na, kaya nga tayo shunga, girl, e,” natatawa pa ring biro ni Michelle sa kapatid na si Ehra, na sumagot din ng “I have.”

At sa sumunod na tanong na, “Never have I ever been unfaithful,” inamin din ni Michelle na nagtaksil siya noon.

“I have been unfaithful. Gumanti lang din ako,” ang humahalakhak pa niyang tugon.

Katwiran ng aktres, “Sinaktan nila ako. Sabi ko, ‘A, kung kaya mo, kaya ko rin.’ Pero nung bata pa ako nu’n.

“Siguro nga du’n sa heartbreak ko na sobrang na-depress talaga ako.

“I really promised myself I don’t ever wanna feel this way again. So, kaya ganu’n ang mindset ko. But it doesn’t really help,” paglilinaw pa ni Michelle na isa na ngayong real estate agent sa Amerika.

Mariin pa niyang sabi, “Walang magagawa kung gaganti ka. Maggagantihan kayo. Walang outcome na mangyayari na maganda.”

Nagbahagi rin siya ng ilang detalye tungkol sa paggamit niya ng dating apps kung saan niya nakilala ang boyfriend niya ngayong foreigner na si Kyle.

Sa dating app din niya na-meet ang kanyang ex-husband na si Troy Woolfolk. Pero sumusumpa si Michelle na hindi naman siya tambay sa mga dating apps.

“Hindi ako yung matagal nag-i-stay. When I met Troy, siya lang ang first and last date ko dun and then I deleted it. Hindi ako yung multiple dates na sinu-sino,” paglilinaw pa niya.

Sey ni Michelle, ang ginamit niyang dating app ay para sa mga taong naghahanap ng seryoso at totohanang relasyon.

Michelle Madrigal inilibot ang non-showbiz dyowa sa Thailand at Pilipinas

Michelle Dee tanggap ang pagkatalo kay Celeste Cortesi; hindi pa rin isusuko ang pangarap na Miss Universe crown?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Michelle Madrigal sa pagbabati nila ng ina makalipas ang ilang taon: Time heals all wounds talaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending