Ginang ninakawan ng P111K ng scammer na nakilala sa dating app

Ginang nanakawan ng P111K ng scammer na nakilala sa dating app

Ervin Santiago - December 17, 2024 - 06:35 AM
Ginang nanakawan ng P111K ng scammer na nakilala sa dating app

MAHIGIT P100,000 ang nabudol mula sa isang ginang matapos magtiwala sa taong nakilala niya sa dating app na nagpahayag ng pagmamahal sa kanya.

Yes! Na-swipe wrong nga si Carmencita Pantoja dahil ang taong nagpakilala sa kanya at nangako ng kung anu-ano ay isa palang scammer.

Humingi ng tulong sa “Wanted sa Radyo” ni Sen. Raffy Tulfo si Carmencita para mahuli ang scammer na nagpakilalang foreigner mula sa isang dating app at mabawi na rin ang perang nanakaw sa kanya.

Ayon sa biktima, nu’ng una ay kapani-paniwala naman daw ang pinagsasabi ng scammer na nagpakilalang si “Mattias Hueber Liam.” Pareho rin daw silang walang asawa kaya in-entertain siya ng ginang.

“Okay naman. Gusto niya ako. Gusto niya raw ako maging asawa kaso balo siya wala raw siyang mga anak. Sabi ko, ako balo ako. Tatlo ang anak ko pero hindi na ako nag-asawa,” pahayag ni Carmencita.

Baka Bet Mo: Vice Ganda kinilabutan sa pagkapanalo ng ‘Isip Bata’ contestant, bakit kaya?

Magsimula raw ang isyu tungkol sa pera nang magpadala ng tseke ang isang “Mr. Henric Parker”. Secretary raw ito ng isang company sa Palawan kung saan nagtatrabaho raw si “Mattias Hueber Liam.”

Kinausap daw siya ni “Mr. Parker” at sinabihang kailangan niyang magbigay ng pera para makapag-open ng bank account ang ka-chat niyang foreigner si para doon i-deposit ang tseke.

Sabi ni Carmencita umabot sa P111,000 ang naipadala niya kay Mattias sa pamamagitan ng GCash. Bukod dito, nangutang at ibinenta pa niya ang kanilang bahay para lang makapagpadala ng pera kay Mattias na never pa niyang nakita ang itsura.

Pag-amin pa ni Carmencita, “Kapag nakakausap ko siya parang lagi lang akong oo, yes ganu’n. Pero ang gusto ko lang mangyari mabawi ang pera ko.”

Ayon naman kay Atty. JV Bernardez ng ACT-CIS Partylist, fake ang tseke dahil wala itong check number, account number, at pati ang mga pirma rito ay electronic signature, na hindi ina-accept sa bangko.

“Hindi po bago ‘yung nangyari sa inyo. Marami na po tayong na-handle rito sa programa na halos ganito rin ‘yong modus po na nangyari.

“Sa mga natanggap po naming reklamo rito iisa lang naman ‘yong nagiging findings namin d’yan e. Pekeng tao.

“Hindi totoong tao itong si Mattias Hueber Liam. In fact, ‘yong pangalan pa lang it sounds fake na rin e. ‘Yong Mr. Parker na kausap po ninyo malamang hindi rin po totoo ‘yan,” sabi pa.

Dagdag ni Atty. Bernardez, ang maganda lang dito ay paggamit ng biktima ng GCash dahil nakakuha sila ng ilang detalye sa scammer gamit ang reference number ng mga transaction.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang “Wanted sa Radyo” sa NBi Anti-Cybercrime para malaman kung sino ang tunay na may-ari ng GCash account na nakapangalan sa isang “Annabelle S.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending