Dominique Cojuangco naloka sa gumagamit ng pangalan niya: It’s not me!

PHOTO: Instagram/@dominique
MAY bagong pinagtripan ang mga modus upang mang-scam o makapanloko ng mga tao!
Nagbabala si Dominique Cojuangco sa publiko na may gumagamit ng kanyang identity sa pamamagitan ng messaging application na Viber.
Sa Instagram Story, ibinandera ni Dominique ang picture na ipinapakita ang phone number ng scammer.
Ang ginamit pang pangalan nito ay ang married name niya at ang naka-display sa profile picture ay mismong portrait niya.
Baka Bet Mo: True ba, hindi imbitado ang pamilya Barretto sa kasal ni Dominique Cojuangco?
Kwento ng personalidad, natuklasan niya ang modus na ito dahil marami na mula sa kanyang team ang minessage.
“My team is receiving calls and messages from this number! If you are too, it’s not me,” caption niya sa post.

PHOTO: Instagram/@dominique
Madalas, ang nagiging biktima ng ganitong klaseng modus ay mga artista, lalo na’t kung mayroong kalamidad o trending na isyu.
Ginagamit kasi nila ang kahinaan na ito upang makauto at makakuha ng pera sa maraming tao.
Ang recent nga riyan ay ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto na talagang itinaon noong siya ay kinasuhan kaugnay sa isyu ng inendorsong skincare company na Dermacare.
Base sa mga naisulat namin noon, ang suspek ay nanghingi ng pera para raw may ipambayad sa piyansa.
Bukod sa kina Dominique at Rufa Mae, nanakawan din ng identity sina Nadine Lustre, Vicki Belo, Ariel Rivera, at marami pang iba.
Para sa mga hindi aware, si Dominique ang unica hija ng batikang aktres na si Gretchen Barretto at ng kilalang businessman na si Tonyboy Cojuangco.
Ikinasal si Dominique sa isang businessman na si Michael Hearn noong March 2023 at ginanap ito sa San Agustin church sa Maynila.
Isinilang ang panganay nilang anak na si Penelope Eloise noong May last year.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.