Dominique Cojuangco engaged na sa non-showbiz boyfriend: For Life!
Dominique Cojuangco
KALAT na ang balitang engaged na ang anak nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco na si Dominique Cojuangco sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Ibinandera kasi ng dalaga ang mga intriguing photos nila together ng kanyang long-time partner na si Michael Hearn sa kanyang Instagram account.
Sa isang litrato nga ay makikita si Dominique na proud na proud aa suot niyang diamond studded ring na may caption na, “For life.”
Nag-post din sa kanyang social media account si Michael ng mga katulad na litrato na in-upload ni Dominique kabilang na ang isang shot ng kanilang pinky fingers kung saan nagniningning ang singsing ng anak ni Gretchen.
Hindi niya diretsahang inihayag na engaged na sila ng girlfriend pero obvious naman ito sa inilagay niyang caption.
“On the next chapter with @dominique,” ang post ni Michael.
View this post on Instagram
In fairness, kahit hindi sumabak sa showbiz naging instant star na rin si Dominique dahil na rin sa kanyang sosyal na nanay na si Greta.
https://bandera.inquirer.net/295357/gretchen-kay-tonyboy-after-27-years-na-realize-ko-ginamit-lang-ako-ng-mamang-to
Sa mga hindi pa nakakaalam, nagtapos ng Magna Cum Laude si Dominque sa Fashion Institute of Design and Merchandising (FIDM) in California.
Aside from this, nag-graduate din siya ng fashion design si Dominique sa Istituto Marangoni sa London.
Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati para kina Dominic at Michael mula sa mga netizens at sa kanilang mga kapamilya at kaibigan.
Isa nga sa mga bumati sa engaged couple ay ang tiyahin ni Dominique na si Claudine Barretto. Sey ng aktres, “Congratulations, my baby. So happy for you!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.