Future bride bad trip sa dyowa, kulang na kulang ang ambag sa budget ng kasal

Stock image
MGA ka-BANDERA, kung kayo ang tatanungin, keribels lang ba na mas malaki ang ambag ng babae kesa sa lalaki para sa budget ng kanilang wedding?
Iyan kasi ang isyu ng isang female netizen at future bride sa kanyang future husband tungkol sa gagastusin nila sa kanilang pinapangarap na kasal.
Sa pamamagitan ng Facebook page na Peso Sense, ibinahagi ng babaeng netizen ang kanyang saloobin at sinabing parang hindi pa raw ready ang dyowa niya na mag-settle down.
“Hi po, hingi lang ako advice. Please hide my identity.
“Okay lang ba na mas malaki naiipon ng babae kesa sa lalaki for wedding? Mahal na mahal namin isa’t isa pero habang papalapit yung kasal namin (3months to go) napapaisip na ko kasi parang di financially ready si bf,” ang simulang pagbabahagi ni Ate Girl.
“Parang I already have 50k+ na naambag sa wedding savings namin pero si bf parang thrice palang naghulog 15k in total since august. 2months na sya di naghuhulog pero ako continues kahit anong amount basta nakakapaghulog ako.
“Medyo na-off lang ako nu’ng nagsahod sya netong last week, bago sya sumahod non sabi nya maghuhulog na sya, napagkasunduan na namin un na sa sahod maghuhulog na talaga sya. Kaso nu’ng sumahod na di naman naghulog ang rason wala na daw matitira sa kanya.
“For me lang ano ba naman yung any amount lang kahit less than 5k lang ihulog nya, yung 15k kasi na nahulog nya noon 5k each kada sahod nya sya naghuhulog, 3 times nya lang nagawa but after non nastop na kasi need nya kumuha ng bagong motor kasi sira na yung dating motor nya,” ang himutok pa ng letter sender.
Ang usapan daw kasi nila, since twice sumasahod ang partner niya, yung sa kalahating buwan ay ihuhulog nito sa motor at yung second cut off ay panghulog sa wedding savings nila. Pero hindi raw yun nasusunod.
“Medyo feeling ko ang unfair lang sa side ko kasi I almost give my all salary, hindi ko na nahehelp si papa sa bills kasi priority ko na yung wedding savings namin kasi diba ganon naman talaga once na ikasal ka na yung bagong fam mo na yung priority mo?
“Tapos madalas ako pa ang taya sa mga labas/date namin. madalas din sya manghiram sakin or nangangako na ako na muna daw sasagot sa gastos namin like food outside then ibabalik nya daw pag sahod pero wala naman.
“I just need an opinion or any advice. Hindi ko alam kung nappressure lang ako dahil malapit na kami ikasal and normal feeling to? Or ngayon ko lang narerealize yung mga bagay bagay.
“Di naman sya nagkukulang iparamdam kung gano nya ko kamahal, never din syang nagloko or nagbigay ng sakit sa ulo sakin as in. Yun nga lang parang pagdating sa financial matter, hindi sya ready,” ang pahayag pa ni Ate Girl.
Ang kanyang tanong, “Ipu-push paba namin ikasal in 3months or okay lang na iadust nalang muna yung date hanggang sa makapagprovide na sya for our wedding savings? Thank you in advance po.”
O, ayan guys, pasok na sa eksena! Ano ba ang maipapayo n’yo kay anonymous letter sender? Itutuloy pa ba niya ang nalalapit na kasal o postpone na lang muna? Go na! Comment below na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.