Kathleen Hermosa na-scam, inorder na Thai sausage hindi dumating

Kathleen Hermosa
DISMAYADO ang Kapamilya actress na si Kathleen Hermosa matapos mabiktima ng umano’y scammer na online seller.
Naglabas ng sama ng loob si Kathleen sa pamamagitan ng kanyang Facebook account kung saan ikinuwento nga niya kung paano siya naloko ng naturang online seller.
Ayon sa kapatid ni Kristine Hermosa, halos P2,000 daw ang nakuha sa kanya ng scammer matapos mag-purchase sa isang Facebook Marketplace.
Ayon kay Kathleen, bumili siya ng trending Thailand sausage sa naturang FB Marketplace sa site ng manlolokong online seller. Nagbayad na raw siya in advance dahil mukhang legit naman ang nasabing site.
Pero ang ending, nganga! Walang dumating na Thailand sausage sa kanilang bahay. Feeling ng aktres, talagang professional scammer ang nambiktima sa kanya dahil kapani-paniwala ang account nito sa FB.
“That person who scammed me and didnt send my order is just a pro. In Marketplace, you cannot demand to pay once item is delivered because maybe for seller’s protection too.
“Well, they can do COD also. But for most, they do not allow. I did my research, they looked legit to me. Well other than the fact that I was rushing so it can reach here in Cebu on time for our Mukbang shoot.
“Its this thailand sausage trending in tiktok. For a sausage, hindi sya mura ha? Paid 1,900+ for it. Magaling sila and their modus.
“Complete product details. And the attitude when conversing is a legit seller too. I searched now for the name, some concerned friends searched for the seller too and I strongly believe I got scammed,” ang pahayag ng aktres.
Patuloy pa niya, “Solution on my part, I prayed for the scammer. I hope the money fed you and your family.
I also prayed that you try to find a dignified job because all the money you guys scammed it from — are all hard earned money. Ilang live sell din yan, ilang hustle din yan.
“Ilang items sold din yan for a slim comm. Yet we choose to do what honors God kasi whats important is where we are going after our lives here on earth so if you are reading this (pangalan ng seller)—GoTyme account name we transferred our payment to, may you stop doing what you are doing.
“Or if Im wrong, please send me my orders,” aniya pa.
Maraming nagkomento sa post ni Kathleen at halos lahat ay nagsabing sana raw ay maparusahan ang nang-scam sa kanya at maibalik ang kanyang pera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.