Kween Yasmin nadale ng ‘voice phishing’, nasimot ang pera

Kween Yasmin nadale ng ‘voice phishing’, nasimot ang pera sa bangko

Pauline del Rosario - January 25, 2025 - 11:19 AM

Kween Yasmin nadale ng ‘voice phishing’, nasimot ang pera sa bangko

PHOTO: Facebook/Kwenn Yasmin

NATANGAY ang mahigit P15,000 ng internet personality na si Kween Yasmin matapos tawagan ng scammer na nagpanggap na taga-bangko.

Nakausap ng News5 ang social media star at diyan niya ikinuwento kung paanong modus ang ginawa sa kanya.

Ayon kay Kween Yasmin, inakala niyang legit na nagtatrabaho sa bangko ang nakausap niya at inutusan siyang ilipat ang lamang pera ng kanyang account.

“I-input ko daw po ‘yung account number na binigay nila sakin tapos trinansfer ko po doon ‘yung amount. Tapos sabi pa po nila sakin na kailangan huwag kang mag-iiwan ng kahit ano or katiting diyan sa bank account mo. tapos po ayun, sabi sakin na babalik naman ‘yan mamaya,” chika niya sa panayam.

Baka Bet Mo: Kween Yasmin nilinaw ang isyu sa ex-dyowa: Late ko na nalaman na may asawa’t anak pala siya

Nag-antay daw siya ng ilang minuto, ngunit wala namang bumalik na pera sa kanya at diyan niya raw napagtanto na scammer ang mga kausap niya.

“Nanghinayang po ako ‘nun dahil pinaghirapan ko po ‘yun tapos iyak po ako ng iyak ‘nun,” kwento niya.

Patuloy ni Kween Yasmin, “Tapos sabi ko, parang nawala sa isang iglap ‘yung pera po na ‘yun. Ako nalang ang inaasahan po. ‘Yung pera na ‘yun dapat paglalaanan ko po sa business ko po na mag-graham po.”

Sa isang Facebook post, nagpaalala ang content creator sa publiko na huwag mag-entertain kung hindi naman ito kakilala.

“Hindi biro po kitain ‘yung P15,000 po. Just want to be clear never give OTP or pincode,” bungad niya.

Paliwanag pa niya sa nangyari, “Kasi ia-update daw nila ‘yung card ko sa BPI and Unionbank eh ayos naman. Kaya after ko i-send ‘yun lahat, sabi pa wag daw ako mag-iwan ng laman. Kaya dun ko nalaman na scam sila.”

Dagdag pa niya, “Kaya lesson learned to me not entertain the strangers and not answer the unknown number call.”

Nagbabala rin siya sa nanloko sa kanya: “Malalaman din namin kung sino ang may gawa nito…kasi iisang number lang ang may gawa na para silang nasa call center agent na isang number lang.”

“Una kong kausap lalaki and sumunod pinasa niya dun sa kausap na girl. Mate-trace din namin kung sino ang [nasa] likod nito at dapat managot sila dun sa ginawa nila,” aniya pa.

Kween Yasmin nadale ng ‘voice phishing’, nasimot ang pera sa bangko

PHOTO: Screengrab from Facebook/Kwenn Yasmin

Base sa ulat ng TV network kung saan nakapanayam naman nila ang hepe ng PNP Cyber Response Unit Anti-Cybercrime na si PCOL. Jay Guillermo, si Kween Yasmin ay nabiktima ng tinatawag na “voice phishing” o telephone scam.

Para sa kaalaman ng marami, isa itong klase ng modus sa pamamagitan ng phone calls upang makakuha ng pera o alamin ang ilang personal na impormasyon ng kanilang biktima.

“Pag may ganyang senaryo na kahit sabihing taga-bangko ‘yan, hindi ka niyan uutusan na ilipat ‘yung account mo na sayo mismo at sasabihing ilipat mo sa ganitong amount,” sambit ni Guillermo.

Giit pa niya, “Red flag ‘yun. Huwag na huwag nating susundin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga bangko ang insidente, habang sinusubukan nang i-trace ng pulisya ang kinaroroonan ng mga suspek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending