Kween Yasmin nilinaw ang isyu sa ex-dyowa: Late ko na nalaman na may asawa't anak pala siya | Bandera

Kween Yasmin nilinaw ang isyu sa ex-dyowa: Late ko na nalaman na may asawa’t anak pala siya

Therese Arceo - August 25, 2023 - 08:35 AM

Kween Yasmin nilinaw ang isyu sa ex-dyowa: Late ko na nalaman na may asawa't anak pala siya

INAMIN ng social media personality na si Kween Yasmin ang kumakalat na chika ukol sa kanya at sa kanyang ex-dyowa.

Kamakailan kasi ay naging usap-usapan ang personality matapos matuklasan ng netizens na may asawa’t anak na pala ang kanyang dating karelasyon.

“Hello everyone, dun sa kumakalat na photo sa tiktok na kasama ko yung ex boyfriend ko. I would like to say sorry because late ko na nalaman na may asawa’t anak pala sya hindi nya sakin binanggit all the time na magkasama kami at magkausap kami,” lahad ni Kween Yasmin.

Aniya, nagpapasalamat siya dahil nalaman niga ang katotohanan ukol sa tunay na pagkatao nito na nakilala bilang si Iyan Lita.

“Buti na lang nalaman ko sa ending na ganun pala ang nangyayari. Sobrang grabe ang ginawa niya – nasaktan ako sobra at syempre ayoko rin pong makasakit ng ibang tao,” saad pa ni Kween Yasmin.

Nilinaw rin niya na matagal na silang naghiwalay kaya sana raw ay tigilan na ang pamba-bash sa kanya.

“And Yes wala na po kami matagal na so please stop saying anything bad to me. Biktima lang din po ako. Wala po akong alam sa mga nangyayari. Nakipaghiwalay po agad ako simula nung nalaman ko,” sey ni Kween Yasmin.

Baka Bet Mo: AJ Raval 4 na beses pinagsasampal si Aljur Abrenica; game na game sa matitinding sex scenes sa ‘Sugapa’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Thanks so much at pasensya po sa lahat ng nadamay,” dagdag pa niya.

Sa kanyang latest TikTok video ay nakiusap rin ito sa madlang pipol na sana ay huwag na ring i-bash ang dating karelasyon.

Saad ni Kween Yasmin, “Doon po sa mga taong nangba-bash sa comment section ni Kuya Iyan Lita, ‘wag na po kayong mang-bash o mangsira ng image ng tao po.

“Wala naman pong kami. ‘Yung mga binibigay ko po sa kanya na mga regalo po na sinasabi n’yo po, binigay ko po iyon nang kusa. Wala po siyang hiningi or whatever.”

Nakiusap rin si Kween Yasmin na huwag nang palalain pa ang sitwasyon.

“Please po tigilan n’yo na po ‘yung pamba-bash n’yo sa kanya. Labas po siya rito. Huwag n’yo na pong [masamain] po ‘yung mga pangyayari po na ‘yun and please stop n’yo na po ‘yung pambabash po sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayoko naman pong masira ‘yung image po n’ya. Please tigilan n’yo na po ‘yung pagko-comment sa wall po no Kuya Iyan Lita… Thank you everybody,” pakiusap ni Kween Yasmin.

Related Chika:
Ashley Ortega inatake ng matinding takot dahil kay Carmina: Pero super sweet pala siya at napaka-humble

Catriona Gray agree sa pagsali ng mga may asawa’t anak na sa Miss Universe, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending