Toni Gonzaga ka-look alike, viral na sa TikTok

Toni Gonzaga ka-look alike, viral na sa TikTok

Therese Arceo |April 30,2024
facebook
share this

Toni Gonzaga ka-look alike, viral na sa TikTok

Therese Arceo - April 30, 2024 - 07:04 PM

Toni Gonzaga ka-look alike, viral na sa TikTok

ALIW na aliw ang mga netizens sa isang babaeng social media personality na kahawig ng singer-actress na si Toni Gonzaga.

Nakilala ang babae bilang si Christine Loi Arcueno o kilala sa nickname na Loi.

Nag-upload kasi ito ng video kung ginagaya niya ang “Galante ang mga Hapon” scene mula sa pelikula ni Toni na “Wedding Tayo, Wedding Hindi” ng Star Cinema kung saan kasama niya sina Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, at Wendell Ramos.

Umabot na nga ng mahigit 4 million views ang naturang video na talaga namang inulan ng mga comments ng madlang pipol dahil sa pagkakahawig nina Toni at Loi.

“Galante ang mga Hapon. Lalo na kapag na-Phil Collins nila kayo, uy! Ang mga datung, ang mga anda, givesung nang givesung.

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga ibinunyag na taga-‘refill’ niya ng cash sa wallet si Direk Paul

@theycallme_loi bahala ka! #tonigonzaga #weddingtayoweddinghindi ♬ Galante ang mga Hapon – Tonee Gie

“Ito ang pinaka-jackpot sa lahat ha, pag najunakan ka, inyo na ang mga pera! Kumusta na ang mga buhay buhay nyo?” litanya ni Toni sa naturang pelikula na ni-lipsync ni Loi.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang video.

“Toni g noong Dipa nakapag Japan hahaha,” komento ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “hoooy nalilito ako kong ikaw ba c Toni G or c diana zubiri.”

Hirit naman ng isa, “try nyo po mag toni talks tipid version, laughtrip hihihi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa viral video ay may mga song and dance covers rin ang dalaga.

Samantala, may mga nagsasabi rin na may hawig ito sa isa sa mga members ng BINI na si Sheena Catacutan.

May mga humihiling rin na sana ay magkita ang dalawa o di kaya’y makapag-guest ito sa vlog ng aktres na “Toni Talks”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending