Toni Gonzaga ibinunyag na may taga-'refill' ng cash sa wallet

Toni Gonzaga ibinunyag na taga-‘refill’ niya ng cash sa wallet si Direk Paul

Pauline del Rosario |February 05,2024
facebook
share this

Toni Gonzaga ibinunyag na taga-‘refill’ niya ng cash sa wallet si Direk Paul

Pauline del Rosario - February 05, 2024 - 01:08 PM

Toni Gonzaga ibinunyag na taga-'refill' niya ng cash sa wallet si Direk Paul

PHOTO: Instagram/@celestinegonzaga

ANG swerte, swerte naman ng TV host-actress na si Toni Gonzaga sa kanyang mister na si Direk Paul Soriano!

Ayon kasi kay Toni, kusang naglalagay ng cash sa kanyang wallet ang asawa sa tuwing siya’y aalis.

Ang nakakatuwang rebelasyon na ‘yan ay ibinunyag mismo ng TV host habang nagba-bag raid sa kanya ang Kapamilya segment producer na si Darla Sauler.

Sa uploaded YouTube video, isa-isang inusisa ni Darla ang laman ng luxury bag ng aktres at isa nga sa mga ipinakita ni Toni ay ang pouch na nilalagyan niya ng pera.

“Tingnan natin kung may cash. Si Paul ang nagre-refill ng pera ko,” pagmamalaki ng TV host.

Tugon naman ni Darla, “Ang saya! Sana All!”

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga hinangaan si Jolina: Ang bait niya sa mga baguhan

Biglang nagtanong ang aktres, “May ganun ba kayong mga asawa? ‘Yung siya ‘yung naglalagay ng pera sa wallet niyo kasi alam niyang kulang-kulang nanaman, hindi kayo maglalagay ng pera [sa wallet].”

Nang nabuklat ni Toni ang kanyang pouch, tuwang-tuwa niyang ipinakita kay Darla na na-refill ito ni Paul.

“Oy! May kaperahan, na-refill! Pambili ng mga kape, pang take out,” sey ni Toni.

Sambit naman ng segment producer, “Usually kasi ang mga asawa talaga, ang normal, hinihingi. Ikaw kusa?”

Sagot sa kanya ng aktres, “Siya nire-refill kasi alam niyang hindi ako ma-cash.”

Paliwanag niya, “‘Nung dating pa lang kami, lagi akong gan’un. Wala akong cash, card lang lagi dala ko.”

Usisa sa kanya ni Darla, “Ang saya naman ‘nun, daily niya [nire-refill]?”

“Hindi. Kapag aalis lang ako,” ani ni Toni.

Kwento pa niya, “Alam niya pag gabi aalis ako kinabukasan. Pag pina-check ko [‘yung bag ko], Sasabihin ko [sa assistant], ‘check mo wallet ko.’ Tapos sasabihin ng assistant ko, ‘ni-refill na po ni direk’.”

Manghang-mangha naman si Darla sa initiative ng mister ni Toni at sinabing, “Ay ang galing naman! Ang taray naman ni direk!”

Magugunita noong January 31 lamang nang mag-premiere ang comeback movie ni Toni, ang Philippine adaptation na “My Sassy Girl.”

Katambal niya riyan ang comedian-actor na si Pepe Herrera.

Samantala, taong 2015 nang ikinasal sina Toni at Direk Paul.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makalipas ang isang taon ay nagkaroon sila ng panganay na anak na sina Severino Elliott o Seve.

Noong August 2023 naman nang isinilang ng aktres ang second baby nila na si Paulina Celestine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending