Toni Gonzaga hinangaan si Jolina: Ang bait niya sa mga baguhan

Toni Gonzaga hinangaan si Jolina: Ang bait niya sa mga baguhan

Therese Arceo |February 03,2024
facebook
share this

Toni Gonzaga hinangaan si Jolina: Ang bait niya sa mga baguhan

Therese Arceo - February 03, 2024 - 08:44 PM

Toni Gonzaga hinangaan si Jolina: Ang bait niya sa mga baguhan

IBINUNYAG ng actress-singer na si Toni Gonzaga na isa sa mga hinangaan niyang artista noong nagsisimula pa lamang siya ay si Jolina Magdangal.

Sa kanyang interview na mapapanood sa YouTube channel ni Aster Amoyo, napag-usapan nilang dalawa ang naging showbiz journey ng “My Sassy Girl” lead star.

Kuwento ni Toni, nagpo-front act siya noon sa mga concerts ni Jolina sa mga probinsya.

“Ang mga sikat noon sa TV sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin. Naalala ko noon sina Antonette Taus, sil ‘yung pinapanood ko sa Ang TV. Hanggang sa noong nagsisimula akong maging artista, hindi ko makakalimutan ‘yung nagpo-front act ako sa mga concert ni Jolina sa mga provinces.

“Grabe si Jolina Magdangal noon. Naaalala ko pababa pa lang kami ng eroplano, talagang makikita mo na ‘yung mga tao sa Dumaguete, nagtatakbuhan. Akala mo si Michael Jackson na talaga ‘yung darating. Talagang nagkakagulo na na parang zombie, end of the world na,” pagbabahagi ni Toni.

Aniya, sobrang hinangaan niya si Jolina dahil sa ipinakita nito sa kanya noong hindi pa siya kilala.

Baka Bet Mo: Pelikula nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera kumita na ng P5.2M

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Love ko si Jolina. Love ko siya kasi sabi ko sa sarili ko nung na-experience kong makatrabaho siya, for that short time na naging front act niya ako sa mga concerts niya, kapag nabigyan ako ng break, gagayahin ko siya,” lahad ni Toni.

Napakabait raw kasi nito sa mga baguhan at pausbong pa lang na mga artista at siya mismo ay na-witness ito.

“Ang bait niya sa baguhan. Sabi ko, ‘Ah, dapat ganito. Kapag medyo may narating ka na nang konti, maging mabait ka sa mga baguhan kasi hindi nila malilimutan ‘yun,” sey ni Toni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Hindi ko malilimutan ‘yung kabaitan na pinakita niya sa akin na parang I was also there. I mattered. Kasi siyempre hindi ka na papansinin kasi hindi ka naman kilala pero siya lagi siyang ‘Uy, si Toni’. Lagi niya akong sinasama.”

Kuwento ni Toni, talagang naramdama niya na belong siya noon kahit na bago pa lang siya sa industriya.

“She made [me] feel na you’re also important and you also belong,” papuri niya kay Jolina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending