Toni Gonzaga may balak nga bang bumalik sa 'PBB'?

Toni Gonzaga may balak nga bang bumalik sa ‘PBB’?

Therese Arceo |January 31,2024
facebook
share this

Toni Gonzaga may balak nga bang bumalik sa ‘PBB’?

Therese Arceo - January 31, 2024 - 01:14 PM

Toni Gonzaga may balak nga bang bumalik sa 'PBB'?
SINAGOT ng actress-singer na si Toni Gonzaga ang tanong kung may balak nga ba itong magbalik bilang host ng “Pinoy Big Brother”.

Natanong kasi ang kapatid ni Alex Gonzaga kung may katotohanan nga ba ang mga kumakalat na chikang magbabalik Kapamilya siya upang maging main host sa muling pagbubukas ng Big Brother house sa madlang pipol.

Sa kanyang naging guesting sa isang FM radio station, inamin ni Toni na oras na para bigyan naman ng tsansa ang ibang tao na magningning bilang main host ng Kapamilya show.

“Feeling ko, ano, may mga bagong magagaling na hosts and it’s their time to shine.

“Parang feeling ko the 16 years that I gave… I’ve given sa PBB parang ano na ‘yon, that was special and memorable in my heart, pero sobrang gagaling na ngayon ng mga host ng PBB and I’m sure they will continue the legacy ni Kuya,” pagbabahagi ni Toni.

Pinuri rin niya ang mga naiwang hosts at dating mga kasamahan sa “Pinoy Big Brother” na sina Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Robi Domingo, Kim Chiu, Enchong Dee.

Baka Bet Mo: Eric Fructuoso umaming naging dyowa si Toni Gonzaga, tumagal din ng 3 years ang relasyon

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matatandaang naging laman ng mga balita noong February 2022 si Toni Gonzaga matapos itong mag-resign sa naturang programa na kanyang kinabibilangan nang mahigit isang dekada.

Marami kasi ang kumondena noon sa singer-actress matapos itong mag-host ng UniTeam campaign rally at iendorso si Rodante Marcoleta sa pagkasenador na isa sa mga pumayag sa hindi pagre-renew ng franchise ng ABS-CBN.

Ilang araw matapos ang pagte-trending ay nagdesiyon na siyang mag-resign sa “PBB” after 16 years ng kanyang pagho-host.

Nachika naman ng hosts ng FM Radio program na kaalibat na rin ng “Pinoy Big Brother” ang kanyang pangalan dahil sa tuwing sinasabi ang “PBB” ay si Toni agad ang naiisip.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Eh siyempre medyo 16 years siyang naging bahagi ng buhay ko so, part na rin ‘yon ng aking pagkatao,” sagot ni Toni.

Sa ngayon ay muling nagbabalik ang actress-singer sa pagpepelikula at showing na rin ang “My Sassy Girl” kung saan katambal niya si Pepe Herrera.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending