Toni natupad ang ‘manifestation’ na magkaroon ng boy at girl

Toni Gonzaga natupad ang ‘manifestation’ na magkaroon ng boy at girl na anak

Pauline del Rosario |August 20,2023
facebook
share this

Toni Gonzaga natupad ang ‘manifestation’ na magkaroon ng boy at girl na anak

Pauline del Rosario - August 20, 2023 - 01:07 PM

Toni Gonzaga natupad ang ‘manifestation’ na magkaroon ng boy at girl na anak

PHOTO: Instagram/@celestinegonzaga

TRENDING sa social media ang throwback post ng TV host-actress na si Toni Gonzaga.

Makalipas kasi ang walang taon, natupad ang “manifestation” niya na magkaroon ng anak na babae at lalaki.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinahagi niya ang kwento sa likod ng kanyang 2015 IG post na kung saan ay may caption itong, “One day I’ll have a boy and a girl.”

Kwento ni Toni, ito ‘yung mga panahon na nasa Japan siya kasama ang cast and crew ng ABS-CBN sitcom na “Home Sweetie Home.”

Nakakita raw siya ng magkapatid na Hapon at dahil cute na cute siya ay nagpaalam siya sa ina nito na makipaglaro at magpa-picture.

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga ibinandera si Baby Polly: You are the greatest reward I’ve ever held in my arms

“I remember this post, I deleted [it] after… I saw a boy and a girl [who were] sibling[s] in Japan.. Cute na cute ako, I asked the mom if I can play and take pics with them.. She allowed [me],” chika niya.

Sey pa niya, “We were taping ‘Home Sweetie Home’ then in Japan… This was Jan. 10.. Jan. 20, on my birthday, Paul [Soriano] proposed.”

“8 years after… We now have a boy and a girl… [emoji],” caption ng dating “Pinoy Big Brother” host.

Ang ibinahagi ni Toni sa kanyang IG Stories ay mula pa sa ipinost ng isang fan account dahil nga nabanggit niya na burado na ang original version ng kanyang post.

Pero may mga fans na naghalungkat ng kanyang original post at sinabing hindi pa ito nawawala sa kanyang account.

May nag-comment pa nga at sinabing, “@celestinegonzaga nangyari nga [emojis].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni gonzaga (@tonigonzagaofficial)

Kung matatandaan, taong 2016 nang isinilang ni Toni ang panganay na anak nila ni Direk Paul Soriano na si Severino Elliott o Seve.

Nitong August 11 naman nang isinilang niya ang babaeng anak na si Paulina Celestine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Netizens pinuri ang mensahe ng pamamaalam ni Frankie kay Noynoy Aquino

Pangarap ni Ice Seguerra na makapagdirek natupad na: Sa totoo lang, akala ko hindi na magkakatotoo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending