Toni Gonzaga ipinanganak na ang baby no. 2 nila ni Paul Soriano: Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived | Bandera

Toni Gonzaga ipinanganak na ang baby no. 2 nila ni Paul Soriano: Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived

Therese Arceo |August 11,2023
facebook
share this

Toni Gonzaga ipinanganak na ang baby no. 2 nila ni Paul Soriano: Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived

Therese Arceo - August 11, 2023 - 07:52 PM

Toni Gonzaga ipinanganak na ang baby no. 2 nila ni Paul Soriano: Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived

ISINILANG na ng singer-actress na si Toni Gonzaga ang kanilang ikalawang anak ni Paul Soriano ngayong araw, August 11.

Ang magandang balita ay ibinandera ni Paul sa kanyang Instagram page.

“Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived! Born 2:05pm on August 11, 2023 at 6.8 lbs,” saad ni Paul kalakip ang video ni Toni na nasa hospital bed habang buhat buhat si Baby Paulina.

Dagdag pa niya, “Tin and Paulina are both doing great. Thank you for all your prayers and support. God bless you.”

Halatang ang pangalan ng kanilang baby girl ay hango sa pangalan nilang mag-asawa. Paulina mula sa Paul at Celestine naman ay mula sa tunay na pangalan ni Toni.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Toni, Paul hindi nagpakita sa SONA ni Pangulong Bongbong, pang-aasar ng netizens…anyare sa ‘most powerful couple’?

Matatandaang ilang buwan ring laman ng balita kung may katotohanan ba ang pagdadalangtao ng panganay na Gonzaga.

Naisulat namin sa Bandera na noong March 2023 ay kumpirmadong buntis si Toni ngunit ayaw muna nilang isapubliko ang balita.

Pero nitong June 4, 2023 nang kumpirmahin nila na ipinagbubuntis na nga ng singer-actress ang kanilang ikalawang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinahagi rin ni Alex Gonzaga, bunsong kapatid ni Toni ang kaniyang inihandang baby shower para sa kapatid sa kanyang YouTube channel.

Related Chika:
Toni Gonzaga, Paul Soriano magkaka-Baby No. 2 na, sinorpresa ng ‘baby shower’

Toni Gonzaga buntis sa 2nd baby nila ni Paul Soriano, pero ayaw munang ibandera sa publiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending