True ba, mahina ang bentahan ng ticket sa 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga? | Bandera

True ba, mahina ang bentahan ng ticket sa 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga?

Reggee Bonoan |January 08,2023
facebook
share this

True ba, mahina ang bentahan ng ticket sa 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga?

Reggee Bonoan - January 08, 2023 - 07:12 PM

KASINGHINA nga ba ng pelikulang “My Teacher” ang bentahan ng ticket para sa “I Am Toni: 20th Anniversary Concert” ni Toni Gonzaga.

Gaganapin ito sa Araneta Coliseum sa Enero 20, 2023 na mismong kaarawan ng TV host-actress at content creator.

Kaswal na nabanggit ng nakatsikahan naming kaibigan na nagtatrabaho sa Smart Araneta Coliseum sa coffee shop na malapit mismo sa venue ng concert na hindi umuusad ang ticket ng show ni Toni.

Aniya pa, nu’ng nakaraang araw ay dumaan daw si Mommy Pinty Gonzaga at bumili ng 500 pieces ng ticket. Hindi lang na-check kung anong presyo dahil hindi pa naire-report ng kanyang staff.

Kung totoo ito ay nalulungkot naman kami for Toni dahil ilang araw na lang simula ngayon ay concert na niya at hindi naman niya siguro ito ipapa-cancel dahil sa mahinang benta ng ticket?

Pero naniniwala rin kami na kapag three or two days bago ang show ay dagsaan na ang bumibili bukod pa sa mismong araw.

Hindi naman siguro hahayaan ni Mommy Pinty na isa sa producer na hindi mapuno ni Toni ang Big Dome. At siyempre ang The Godfather Productions ni Joed Serrano na tiyak na maraming sponsors na nakuha.

Samantala, maraming nalungkot na hindi kumita nang malaki ang “My Teacher” movie nina Toni at Joey de Leon at hindi lang ito basta tsika lang dahil may mga magpapatunay na talagang naglibot sila sa mga sinehan at iilan lang ang nanonood, kasama na kami riyan.

Naikuwento rin ni Romel Chika sa “Showbiz Now Na” na talagang isinama niya sa vlog ang pag-iikot  sa mga sinehan para malaman kung sinu-sino ang pinasok ng mga tao at hindi.

“Isa po ako sa nadismaya sa nakita ko kasi nag-ikot po ako kasi hindi ako makakapayag na hindi ko makita kung ano ‘yung ibinabalita.  Nasaksihan talaga ng dalawang mata ko na sa dinami-dami ng mga nakausap ko (pinagtanungan) ay wala ni isa ang nanood nito (My Teacher),” say ni Romel.

Sabi naman ni ‘Nay Cristy Fermin, “May CFM’er tayo na hindi raw siya nagulat sa pelikulang Deleter. Ang ikinagulat niya noong nanood siya ng My Teacher, dadalawa lang daw sila sa sinehan at iyon daw ang kanyang ikinagulat.”

“Biruin mo, Toni Gonzaga ‘yan, powerful sabi ni Direk Paul (Soriano), nasaan ‘yung power?” tanong ni Romel.

Nabanggit din ni Wendell Alvarez na nasaan na ang 31 million na pumalakpak kay Toni sa tuwing aakyat siya ng entablado noong kampanya ni Presidente Bongbong Marcos, Jr.?

Hirit ni ‘Nay Cristy, “At saka ilan ang subscribers niya (6.5 million sa YouTube), ilan ang views ng kanyang mga vlog milyon-milyon tapos hindi nag translate sa takilya?

“Iyon ang hinahanap ng ating mga kababayan. Pero nangyayari po talaga ang ganito dahil hindi naman lahat ay naibibigay sa atin ng minsanan lang,” sabi pa.

Related chika:

Sarah nagpaliwanag kung bakit matagal nawala, wish na sana’y matuloy na ang 20th year celebration sa showbiz

Kim Domingo binatikos dahil sa pagbili ng ticket para sa fan meeting ni Cha Eun Woo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karen Davila sa 20th birthday ng anak: I can’t believe it, you are now an adult!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending