Toni Gonzaga, Paul Soriano magkaka-Baby No. 2 na

Toni Gonzaga, Paul Soriano magkaka-Baby No. 2 na, sinorpresa ng ‘baby shower’

Pauline del Rosario |June 04,2023
facebook
share this

Toni Gonzaga, Paul Soriano magkaka-Baby No. 2 na, sinorpresa ng ‘baby shower’

Pauline del Rosario - June 04, 2023 - 04:04 PM

Toni Gonzaga, Paul Soriano magkaka-Baby No. 2 na, sinorpresa ng ‘baby shower’

PHOTO: Screengrab from Instagram/@celestinegonzaga

CONFIRMED na talaga mga ka-Marites! Totoo ngang buntis ulit ang TV host-actress na si Toni Gonzaga para sa second baby nila ng mister na si Paul Soriano.

Sa Instagram, ibinandera ni Toni ang isang video na kitang-kita ang kanyang baby bump at abala sa baby shower party na inihanda ng kanyang mga kaibigan.

Mapapanood sa video na bukod sa kanyang pamilya, present din ang ilang artista at bigating personalidad.

Kabilang na nga riyan ang mag-asawang Mariel Rodriguez at Senador Robin Padilla, ang magkapatid na sina Las Piñas Representative Camille Villar at Senador Mark Villar, at ang sister-in-law ni Toni na content creator na si Winnie Wong.

Nandoon din si First Lady Liza Araneta-Marcos bilang guest of honor, pati na rin sina Senador Loren Legarda at ang misis ni Dennis Uy ng Udenna Corporation na si Che Uy.

“Super grateful to my dear friends @camillevillarofficial @emaglipayvillar @che.uy168 @marieltpadilla and sisters @cathygonzaga @winniewong for throwing us the most memorable shower,” saad sa caption ni Toni.

Aniya pa, “So thankful to our family and friends who celebrated with us this new blessing,” she added.

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga na-meet nang personal si Vanessa Hudgens, Alex Gonzaga humirit

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

Noong nakaraang buwan lamang ay may mga haka-hakang buntis ang maybahay ni Direk Paul at ‘yan ay kinumpirma ng aming mapagkakatiwalaang source.

“Wala pang planong ilantad na buntis si Toni, pati kung ilang buwan ay hindi rin sinabi siguro may hinihintay na perfect time, saka baka kasi ma-stress pag isinapubliko na nila. Alam mo naman ang netizens baka kung ano lang ang masabi,” sey noon ng aming source.

Matatandaan noong January 2015 nang ikinasal sina Toni at Direk Paul.

Makalipas ang isang taon ay biniyayaan sila ng anak na si Seve.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa wakas, pangarap na baby shower ni Angelica natupad na: Napakasarap sa pakiramdam!

Dimples shookt sa surprise baby shower party nina Angel at Bea: Yung look mo para sa shoot pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending