Toni Gonzaga na-meet nang personal si Vanessa Hudgens, Alex Gonzaga humirit | Bandera

Toni Gonzaga na-meet nang personal si Vanessa Hudgens, Alex Gonzaga humirit

Therese Arceo |April 01,2023
facebook
share this

Toni Gonzaga na-meet nang personal si Vanessa Hudgens, Alex Gonzaga humirit

Therese Arceo - April 01, 2023 - 02:57 PM

Toni Gonzaga na-meet nang personal si Vanessa Hudgens, Alex Gonzaga humirit
MASAYA ang TV host-actress na si Toni Gonzaga matapos niyang makilala in person ang Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera ng isa sa mga kontrobersyal na personalidad sa bansa ang larawan niya kasama ang international actress.

“The Philippines loves you [Vanessa Hudgens]! What a blessing it is to meet a unique and beautiful soul!” saad ni Toni sa caption.

Nasa Pilipinas ngayon si Vanessa dahil nakatakda itong gumawa ng travel documentary sa pangunguna ni Paul Soriano.

Marami sa mga netizens at mga kapwa celebrities ang napa-comment sa post ni Toni.

“Wow wow wo,” saad ni Mariel Padilla.

Hirit naman ng kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga, “Were soarinnn flyinggggg theres not a sky in heaven that we cant reach I got the eye of the tiger roaaarrr minash up ko for you sissss.”

Heart emojis naman ang comment ni Liz Uy.

Baka Bet Mo: Vanessa Hudgens bumisita sa Malacañang, itinanghal bilang Global Tourism Ambassador ng Pilipinas

Matatandaang isa ang “Roar” sa mga kantang associated kay Toni dahil kinanta niya ito noong kasagsagan ng kampanya niya para kay Pangulong Bongbong Marcos.

Samantala, marami rin sa comment section ang nagtatanong at nagsasabi na mukha raw buntis ang singer-actress.

“Parang buntis si Toni,” comment ng isang netizen.

Chika pa ng isa, “Yung baby bump.”

“Mareng Toni preggy na preggy na face mo,” banat naman ng isa.

Nauna na naming maisulat dito sa Bandera na may isang source na nagkumpirma na ipinagbubuntis na nito ang kanilang second baby.

Sa ngayon ay wala pa namang kumpirmasyon si Toni kung totoo nga ba ang chika.

Going back to Vanessa, kamakailan lang ay itinanghal ang “High School Musical” star bilang global tourism ambassador ng Pilipinas matapos itong mag-courtesg call sa Malacañang nitong March 30.

Related Chika:
Toni Gonzaga buntis sa 2nd baby nila ni Paul Soriano, pero ayaw munang ibandera sa publiko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vanessa Hudgens bibida sa travel docu ni Paul Soriano, babalikan ang family history sa Pinas kasama ang ina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending