Vanessa Hudgens bibida sa travel docu ni Paul Soriano, babalikan ang family history sa Pinas kasama ang ina
TULOY na tuloy na ang pagpunta ng Hollywood actress na si Vanessa Hudgens sa Pilipinas para sa gagawin niyang travel documentary patungkol sa kanyang family history.
Dito unang ipakikita ang first trip ni Vanessa sa bansa kasama ang kanyang inang Pinay na si Gina Guangco at kung paano niya ite-trace ang kanilang angkan na kanyang pinagmulan bilang isang Filipino-American.
Ang bonggang dokumentaryong ito ni Vanessa Hudgens ay mula sa TEN17 Productions ni Paul Soriano na siya rin ang magdidirek.
“We are honored to work with Vanessa for this film project. It’s inspiring to note that with everything she has achieved in life, she wants to discover her Filipino roots and pay homage to her mother’s country.
View this post on Instagram
“Hopefully, this opens doors for many more collaborations to come,” ang pahayag ni Direk Paul sa report ng Variety.
Baka Bet Mo: Vanessa Raval ‘scripted’ nga ba ang pag-iingay sa socmed para pagtakpan si AJ?
Sabi naman ni Vanessa, “I feel like ours is such a relatable story to so many women all over the world. The more that we can share, the more we can lift each other up.”
Sabi pa sa report, “The project is set to begin shooting in the Philippine cities of Palawan and Manila later this month.
View this post on Instagram
“Hudgens will be accompanied on the journey and in the film by her mother, Gina Guangco, and her sister, Stella Hudgens. The actress has often spoken with pride about the biography of her mom, who left the Philippines for the U.S. at age 25.”
Unang nakilala at sumikat ang Hollwood star sa Disney Channel’s “High School Musical.” Bumida rin siya sa mga pelikulang “The Knight Before Christmas” at “The Princess Switch.”
Mapapanood din siya very soon sa indie comedy na “French Girl” at “Bad Boys 4.”
Fil-Am actress Vanessa Hudgens engaged na sa dyowang baseball player
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.