‘Avengers’ stars sanib-pwersa para ipagdasal si Jeremy Renner matapos maaksidente: ‘Speedy recovery buddy’
NAGPAABOT ng suporta at dasal ang “Avengers” family ni “Hawkeye” actor na si Jeremy Renner.
“Yan ay matapos niyang ibandera sa social media ang kanyang update ilang araw matapos maaksidente sa snow.
Nitong nakaraan lamang nang sumailalim sa surgery ang “Hawkeye” actor dahil sa tindi ng natamong injury matapos magulungan ng kanyang vintage PistenBully o snowcat sa Washoe Count, Nevada, USA.
Ang snowcat ay ginagamit sa pampatag at pang-alis ng yelo sa daan at kalsada na may bigat na 14,330 pounds.
Nitong January 4 ay nakapag-post si Jeremy sa kanyang Instagram account upang ipaalam sa publiko na medyo maayos na ang kanyang kundisyon.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng nag-alala at nag-alay ng dasal para sa kanya.
“Thank you all for your kind words. I’m too messed up now to type. But I send love to you all,” ang caption na nilagay ni Jeremy sa kanyang IG photo na kuha sa loob ng ICU.
View this post on Instagram
Nagkaisa naman diyan ang kapwa-’Avengers” stars ni Jeremy upang magpaabot ng “well wishes” messages para sa kanya.
Sey ni Thor actor na si Chris Hemsworth, “Speedy recovery buddy. Sending love your way!”
“Tough as nails. Love you buddy (red heart emoji),” comment naman ni Captain American star na si Chris Evans.
“Continued prayers your way brutha (heart emoji),” lahad ni Star-lord actor na si Chris Pratt.
Bukod sa Marvel superheroes, nagkomento rin ang ilang bigating Hollywood stars na sina Jimmy Fallon, Vanessa Hudgens, Orlando Bloom, Kate Hudson, Kelly Clarkson, at marami pang iba.
Samantala, Sinabi ng Washoe County Police na isang “freak accident” ang nangyari kay Jeremy.
Base sa report, tinulungan daw ng aktor ang isang kaanak na matanggal ang sasakyan nito mula sa pagkakabaon sa yelo gamit ang PistenBully.
Naialis naman daw ang lumubog na sasakyan at habang kinakausap ang kamag-anak na tinulungan ay nakita niya na gumugulong na ang snowplow.
Tinangka raw ni Jeremy na makasakay muli sa snowplow para mapigilan ang pag-andar nito pero huli na ang lahat dahil nasagasaan na siya siya ng sasakyan.
Related chika:
Pia Wurtzbach ayaw nang bonggang-bonggang kasal: I want a really private and intimate wedding
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.