‘Avengers’ star Jeremy Renner napahagulgol nang binalikan ang ‘snow plow accident’ | Bandera

‘Avengers’ star Jeremy Renner napahagulgol nang binalikan ang ‘snow plow accident’

Pauline del Rosario - March 31, 2023 - 04:28 PM

‘Avengers’ star Jeremy Renner napahagulgol nang binalikan ang ‘snow plow accident’

PHOTO: Screengrab from YouTube/ABC News

NAGKWENTO at muling binalikan ng “Avengers” star na si Jeremy Renner ang naranasang matinding aksidente noong Bagong Taon.

Kung maaalala, sumailalim sa surgery ang “Hawkeye” actor dahil sa tindi ng natamong injury matapos magulungan ng kanyang vintage PistenBully o snowcat sa Washoe Count, Nevada, USA.

Ang snowcat ay ginagamit sa pampatag at pang-alis ng yelo sa daan at kalsada na may bigat na 14,330 pounds.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng sit-down interview si Jeremy kasama ang beteranong news anchor na si Diane Sawyer matapos ang aksidente at kamakailan lang nga ay inilabas ang short clip mula sa buong interview na nakatakdang ilabas sa April 6.

Sa short clip, mapapanood na naiyak habang nagbabalik-tanaw ang aktor sa hirap na kanyang dinanas matapos ang nakakatakot na aksidente, ibinahagi niya rin ang kanyang determinasyon na mabuhay at magpagaling.

Ang aktor na bumida sa karakter ni “Hawkeye” ay nagtamo ng “blunt chest trauma at orthopedic injuries” noong January 1 habang siya ay nagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya sa Lake Tahoe.

Sinubukan niyang tulungan ang kanyang pamangkin na na-stranded ang sasakyan mula sa pagkakabaon nito sa yelo gamit ang PistenBully.

Baka Bet Mo: ‘Avengers’ stars sanib-pwersa para ipagdasal si Jeremy Renner matapos maaksidente: ‘Speedy recovery buddy’

Naialis naman daw ang lumubog na sasakyan at habang kinakausap ang kamag-anak na tinulungan ay nakita niya na gumugulong na ng snowplow.

Tinangka raw ni Jeremy na makasakay muli sa snowplow para mapigilan ang pag-andar nito pero huli na ang lahat dahil nasagasaan na siya ng sasakyan.

Saad pa ni Diane, “Eight ribs broken in 14 places. Right knee, right ankle broken. Left leg tibia broken, left ankle broken. Right clavicle broken. Right shoulder broken. Face, eye socket, the jaw broken. Lung collapsed. Pierce from the rib bone to the liver. Sounds terrifying.”

Tila hindi na nakapagsalita si Jeremy nang binabasa ng batikang journalist ang mga tinamong injury ng aktor.

Ang “Avengers” star ay agad na nailigtas mula sa pitong-toneladang contraption at dinala sa pinakamalapit na ospital na kung saan siya ay idineklara na nasa “stable but critical condition” at kailangang sumailalim sa dalawang operasyon.

Sa panayam, nagpasalamat si Renner sa kanyang mga tagahanga na patuloy siyang sinuportahan at ipinagdarasal ang kanyang paghilom.

Sinabi pa niya na ito ang nagbigay sa kanya ng lakas at pag-asa sa kanyang panunumbalik sa kalusugan.

“I chose to survive. It’s not gonna kill me, no way,” sey niya.

Dagdag pa niya, “I’ve lost a lot of flesh and bones in this experience, but I’ve been filled and refilled with love and titanium.”

Bukod sa Avengers at “Hawkeye” spinoff, bumida rin si Jeremy sa mga pelikulang “Mission: Impossible,”  “Arrival,” “American Hustle” at “28 Weeks Later.”

Nagpunta rin siya sa Pilipinas noong 2012 upang mag-shoot ng ilang eksena para sa “The Bourne Legacy.”

Si Renner ay nakatakdang bumalik sa Hollywood sa isang red-carpet event para sa kanyang docuseries na “Rennervations” sa April 11.

Related Chika:

Pinoy fans nag-alay ng dasal para kay ‘Hawkeye’ Jeremy Renner matapos maaksidente habang nag-aararo ng yelo; sumailalim sa 2 surgery

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

K Brosas, Pokwang naaksidente, nagtamo ng mga sugat at pasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending