Toni Gonzaga halata na ang baby bump, ilang months na nga bang preggy? | Bandera

Toni Gonzaga halata na ang baby bump, ilang months na nga bang preggy?

Therese Arceo |April 11,2023
facebook
share this

Toni Gonzaga halata na ang baby bump, ilang months na nga bang preggy?

Therese Arceo - April 11, 2023 - 10:35 PM

Toni Gonzaga halata na ang baby bump, ilang months na nga bang preggy?

HANGGANG ngayon ay wala pa ring announcement ang singer-actress na si Toni Gonzaga ukol sa kanyang pagbubuntis ngunit pansin na ng mga netizens ang kanyang baby bump.

Sa kanyang latest video upload sa kanyang YouTube channel kung saan nakapanayam niya ang singer-actress rin na si Angeline Quinto ay halata na ang malaki niyang tiyan.

Umikot ang interview ni Toni ukol sa mga pinagdaanan noon ni Angeline nang mawala ang kanyang itinuturing na ina na si Mama Bob.

Sa kabila ng nakakaiyak at nakaka-touch na istorya ni Angeline ay tila nakatutok rin ang mga netizens sa tiyan ng asawa ni Direk Paul Soriano.

Maski nga sa comment section ng naturang vlog ay marami na ang nagko-congratulate kay Toni.

“Congrats po sa 2nd baby niyo ni Direk Paul,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Laki na ng baby bump ni Toni. Congrats sa mga mommies! Happiest moment ever talaga!”

“Ang saya saya. Kuya na si Seve. Congratulations Soriano family!” sey naman ng isa.

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga buntis sa 2nd baby nila ni Paul Soriano, pero ayaw munang ibandera sa publiko

Hirit naman ng isa, “Iba ang aura ni Ate Tons. Feeling ko talaga may kapatid na si Seve.”

Marami nang lumalabas na balita ukol sa pagbubuntis ni Toni at marami na ring curious kung ilang buwan na nga ba itong preggy.

Sa katunayan ay una itong napansin ni Mama Loi na sinabi niya sa YouTube vlog nilang “Showbiz Update” kasama si Ogie Diaz.

Nakipagpustahan pa nga siya rito at mukhang tama naman siya sa kanyang naging obserbasyon kay Toni.

Una rin namin itong kinumpirma sa Bandera matapos ma-spluk ng isang source na malapit sa singer-actress na nagdadalangtao nga ito.

Sa kabila ng mabuting balita ay hindi pa naman ito ibinabahagi nina Toni at marahil may personal na dahilan ang pamilya kung bakit hindi pa nila ito ibinabandera sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
K Brosas mas piniling magpa-interview kay Toni Gonzaga kesa kay Ogie Diaz, pero may nangyaring ‘misteryo’

Toni Gonzaga na-meet nang personal si Vanessa Hudgens, Alex Gonzaga humirit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending