Toni Gonzaga P500-M ang talent fee sa TV network ng pamilya Villar; may pasabog na interview kay Bongbong Marcos Bandera

Toni Gonzaga P500-M ang talent fee sa TV network ng pamilya Villar; may pasabog na interview kay Bongbong Marcos

Reggee Bonoan |September 13,2022
share this

Toni Gonzaga P500-M ang talent fee sa TV network ng pamilya Villar; may pasabog na interview kay Bongbong Marcos

Reggee Bonoan - September 13, 2022 - 08:26 AM

President Bongbong Marcos at Toni Gonzaga

ANG lakas ng dating ng teaser ng “Toni Talks” na titulo ng vlog ni Toni Gonzaga-Soriano na mapapanood na sa AMBS2 sa ALLTV na magsisimula ngayong araw,  Setyembre 13.

Ipinakita ang isang babaeng naka-suit ng all white na naglalakad nang nakatalikod habang sinusundan ng kamera paakyat sa Malacañang Palace sabay hinto sa bulwagan.

Dito hinihintay ni Toni ang taong kanyang kakapanayamin, at yan ay walang iba kundi ang Presidente ng Pilipinas na si Bongbong Marcos, Jr..

Huling nakachikahan ni Toni si PBBM noong kaarawan nito, Setyembre 13, 2020 sa kanyang vlog sa YouTube channel na umabot sa 16 million views and still counting.

At ngayong araw, Setyembre 13, ika-65th kaarawan ni PBBM ay ipalalabas nga ang ikalawang panayam ni Toni sa kanya.

Ang nilalaman ng panayam ni Toni ang isa sa napag-usapan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa radio program nilang “Cristy Ferminute” kahapon, Lunes na napapakinggan sa Radyo 5 92.3 News FM at napapanood naman sa One.PH YouTube channel at FB.

Bungad ni Romel, “Ang ganda ng teaser ng Toni Talks, pabolosa!”

“Uy alam mo, ‘yun ang aabangan soft-opening na nila sa September 13 talagang bongga po ang pasabog niya talaga. Isang emosyonal na panayam sa ating pangulo, PBBM.


“At pumunta siya (Toni) ng Malakanyang, sa Palasyo niya kinapanayam ang ating Pangulo at ito talaga ‘yung hinapaw (tinaong) niya ang maraming-maraming isyu dito.

“Pati ‘yung personal na problema ng pamilya na inuukilkil ng taumbayan at ang sinentrohan pang isa na kung magkakaroon ba ng malaking pagkakataon ang ABS-CBN na ibalik ang kanilang prangkisa. Naku, aabangan ‘yan ng madla, di ba?” pahayag ng beteranang manunulat at host.

Tanong naman ni Romel, mainterbyu rin kaya ng mga kilalang personalidad na nagtatrabaho sa news si PBBM aside kay Toni Gonzaga?

Nasambit naman ni ‘Nay Cristy na ang panayam na ito ni Toni kay PBBM ang pagsisimulan na naman ng pamba-bash sa kanya at inaasahan na niya ito.

“Magaling na si Toni humawak ng bashers. Hindi siya kumikibo, hindi siya pumapatol. Hindi siya ‘yung kung anu-ano ang ikinukuda kaya kita mo namamatay ng kusa.

“Kuda kayo nang kuda hindi kayo pinapatulan, e, di para kayong nakikipagsuntukan sa hindi ninyo nakikita, parang multo lang ang kalaban ninyo ganu’n lang ‘yun, di ba?” sabi ni Nay Cristy.

Samantala, kalat na ang balita na ang pinirmahang kontrata raw ni Toni sa AMBS2 sa ALLTV ay nagkakahalaga ng kalahating bilyon.

“Five hundred million, pang-ilang programa kaya ito? Alam ko dalawa, eh. Baka madadagdagan, di ba?” sabi ni ‘Nay Cristy.

Hindi naman halos makapagsalita si Romel sa narinig na figures ng talent fee ni Toni sa TV network na pag-aari ng mga Villar at napahawak na lang siya sa kanyang leeg.

“Grabe ito ‘Nay! Sana all talaga! Alam mo ngitngit talaga ang ibang dyortism (gay linggo ng artista). Ha-hahaha!” tumawang sabi ni Romel Chika.

Sabi naman ni ‘Nay Cristy, hindi na bago sa pandinig ang kalahating bilyong pisong talent fee dahil nauna na ang Megastar na si Sharon Cuneta na makatanggap ng bilyones noong pumirma siya sa TV5.

“Kung matatandaan mo ilang taon na ang nakararaan nu’ng pumirma si Sharon Cuneta sa TV5, one billion pesos ang halaga no’n. Kaya iyon talaga ang umalingawngaw. Kaya hindi na bago ang half-B (billion) na ito,” pahayag ni Nanay Cristy.

Pero nu’ng hindi naman daw nag-click ang mga programang ginawa ni Sharon sa Kapatid network ay ibinalik daw nito sa Singko ang natitira pa kung ano ang halaga ng kontrata dahil bumalik na ito ng Kapamilya network.

Willie sa pagbubukas ng ALLTV: Magugulat kayo kung sinu-sino ang aming mga makakasama…at bukas kami para sa lahat!

Ka Tunying pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV ni Manny Villar; ngayon lang nakaranas ng ‘signing ceremony’

Mariel Padilla pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV: The easiest decision I have ever made

Julia muling babandera sa teleserye ngayong Setyembre

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending