K Brosas mas piniling magpa-interview kay Toni Gonzaga kesa kay Ogie Diaz, pero may nangyaring 'misteryo' | Bandera

K Brosas mas piniling magpa-interview kay Toni Gonzaga kesa kay Ogie Diaz, pero may nangyaring ‘misteryo’

Reggee Bonoan |February 20,2023
facebook
share this

K Brosas mas piniling magpa-interview kay Toni Gonzaga kesa kay Ogie Diaz, pero may nangyaring ‘misteryo’

Reggee Bonoan - February 20, 2023 - 08:31 AM

K Brosas mas piniling magpa-interview kay Toni Gonzaga kesa kay Ogie Diaz, pero may nangyaring 'misteryo'

K Brosas, Ogie Diaz at Toni Gonzaga

MAY pagsisisi kaya si K Brosas na mas pinili niyang magpa-interview kay Toni Gonzaga-Soriano sa YouTube channel nitong “Toni Talks” kaysa sa “Ogie Diaz Showbiz Update?”

Kaya namin ito naitanong ay sa dahilang inimbitahan ni Ogie si K Brosas na makapanayam para sa YT channel niyang “Showbiz Update” na may 810,000 subscribers pero mas pinili ng TV host-comedienne ang “Toni Talks” na may 6.59 million subscribers.

Tama rin naman na kung gusto mo ng exposure ay doon ka sa mas maraming subscribers para malaki ang views nito.

Kaya lang nawala na ang video interview ni K Brosas sa YT channel ni Toni? Ano kayang nangyari?

May kinalaman kaya ito sa isyung magkaiba ang sinuportahan nilang presidente noong eleksyon?

Si Presidente Bongbong Marcos, Jr. ang sinuportahan ni Toni at si dating Vice President Leni Robredo naman ang ikinampanya ni K Brosas.

Opinyon ni Ogie na nakuwento niya sa vlog nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena ay baka naka-hide lang dahil nga magkaiba sila ng paniniwala sa nakaraang eleksyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maria Carmela (@kbrosas)


Sabi naman ni Mama Loi, “At what point nawala ‘yung interview kasi wala naman tayong narinig na malaking isyu o balita na di pagkakaunawaan nu’ng dalawa, di ba?”

At saka naalala ni Mama Loi na inimbitahan ni Ogie si K Brosas sa “Showbiz Upddate” vlog nila. “Ay teka ‘Nay, di ba si K Brosas dapat magpapa-interbyu sa ‘yo?”

Tumango lang si Ogie, “Ayun nakita ko kay Toni.”

Say ni Mama Loi, “Ha? Talaga?”

“E, siyempre hindi na ako nag-insist ‘no? Si Toni ang pinagbigyan hindi naman ako. Pero hindi rin naman para sumama ang loob ko kay K Brosas, magkaibigan pa rin naman kami.

“Ganu’n lang naman ‘yun kanya-kanyang choices kung kanino ka magpapa-interview at wala namang pilitan.

“Pero siyempre ‘yun nga ang tanong ni K, bakit nawawala ‘yung interview niya kay Toni Gonzaga? Sabi naman ni K, ‘hayaan mo na baka may dahilan sila kung bakit nilka hinayd ‘yung interview ko,” paliwanag ng content creator-host at talent manager.

Bukas naman ang BANDERA sa panig ni Toni Gonzaga tungkol sa tanong ni K Brosas.

K Brosas umapela sa madlang pipol na nagpa-book sa Siargao: ‘Wag muna tayo magpa-refund

Andre Paras nag-retire na agad sa PBA, mas pinili pa rin ang showbiz: ‘Sayang, sobra!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

K Brosas, Pokwang naaksidente, nagtamo ng mga sugat at pasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending