Bongbong Marcos nakipaglibing kay Pope Francis sa Vatican

PBBM sa pakikipaglibing kay Pope Francis: ‘It’s a quiet tribute from Pinoys’

Pauline del Rosario - April 27, 2025 - 11:59 AM

PBBM sa pakikipaglibing kay Pope Francis: ‘It’s a quiet tribute from Pinoys’

PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

ANG ating Pangulong Bongbong Marcos ang nagsilbing representative para sa lahat ng Pinoy na nais magbigay ng huling respeto sa yumaong Pope Francis.

Noong Sabado, April 26, present ang presidente sa naging libing ng Santo Papa sa St. Peter’s Square sa Vatican City.

Kasama niya ang kanyang misis at First Lady na si Liza Araneta-Marcos sa okasyon.

Isa rin sila sa daan-daang world leaders at 250,000 katao na nakiramay nang personal.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Bakit sa Santa Maria Maggiore Basilica ililibing si Pope Francis?

Ayon kay Pangulong Marcos, ang kanyang pagdalo ay isang “pagtanaw ng taos-pusong paggalang” mula sa Pilipinas para sa Santo Papa na nagbigay-inspirasyon at humaplos sa puso ng milyon-milyon.

“Nakiisa ako, hindi lang bilang Pangulo, kundi bilang isang Pilipino — dala ang dasal at pag-asa ng bawat kababayan nating nais sanang makadalo at makapagpasalamat.” pahayag ng pangulo sa isang Facebook post.

Dagdag pa niya, “Isang taos-pusong pagpupugay mula sa sambayanang Pilipino para sa isang Santo Papa na kumalinga at nagbigay-tinig sa mga hindi napapakinggan.”

Kamakailan lang, idineklara ng Pangulong Marcos ang “national mourning” para sa pagkamatay ng Santo Papa.

Ito ay sa pamamagitan ng Proclamation No. 871 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ayon sa proklamasyon, ang yumaong lider ng Simbahang Katoliko ay naging isang simbolo ng “humility, compassion, and peace, devoting his ministry to the care of the poor, marginalized, and vulnerable, and advocating tirelessly for social justice, equality, and interfaith dialogue.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumanaw ang Supreme leader ng Simbahang Katoliko noong April 21 sa edad na 88, isang araw matapos ang kanyang pampublikong pagdiriwang sa Easter Sunday.

Si Pope Francis ay inihatid sa huling hantungan sa Santa Maria Maggiore Basilica, sa labas ng Vatican, na ayon na rin sa kanyang kahilingan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending