K Brosas umapela sa madlang pipol na nagpa-book sa Siargao: ‘Wag muna tayo magpa-refund
MAY panawagan ang TV host-actress and comedienne na si K Brosas sa mga netizens lalo na sa mga nakatakdang pumunta ng Siargao Island.
Matatandaang isa ang Siargao sa labis na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette.
Maraming mga residente ang nawalan ng tahanan at naapektuhan ang kabuhayan dahil sa kalamidad.
Paniguradong matatagalan rin ang muling pagbabalik ng kagandahan ng Siargao kaya naman mahihirapan rin ang residente na makabangon dahil karamihan sa mga nakatira sa lugar ay ang turismo ang pangunahing pinagkukunan nila ng pagkakakitaan.
Isa si K Brosas sa mga nakatakdang lumipad pa-Siargao upang magbakasyon at mag-celebrate ng New Year kasama ang kanyang anak pero dahil sa sitwasyon ng lugar ay mukhang hindi na sila tutuloy.
“Dapat sa Siargao kami ng anak ko mag-new year, bayad na lahat. Pero sobrang nakaka-sad ang mga kaganapan.
“Nag-email at text ako sa resort para kumustahin, 3 days ng di sumasagot.. wala kasi siguro kuryente at signal,” saad ni K Brosas.
“Sana wag muna tayo magpa-refund lalo na sa malilit na resorts dahil sa devastation na nangyari, kailangan nila ‘yun para makabangon. Tumulong na lang tayo sa kahit anong paraan,” dagdag pa niya.
dahil sa devastation na nangyari, kelangan nila yon para maka bangon.. wag na muna natin isipin na di natuloy bakasyon… tumulong na lang tayo sa kahit anong paraan.. anyway sa bravo resort sa siargao sana po safe kayo at lahat na rin ng naapektuhan ng bagyo. 🙏😞
— carmela brosas (@kbrosas) December 21, 2021
Marami naman ang sumang-ayon kay K Brosas at sa halip na refund ay mag-issue na lang ng voucher ang mga resorts para magamit pa rin ng mga netizens kapag maayos na ang lahat.
“Can you pls suggest po na for the resort owners na to issue vouchers to be redeemed in the future when naiayos na nila lahat rather than refund?” comment ng isang netizen.
“Okay naman po na wag refund… issue na lang sila ng vouchers para magamit din… kase totoo naman po na hirap sila, pero yun money din po na yun savings para marating yun Siargao… God Bless po,” sabi ng isa pang netizen.
“Tama huwag muna isipin ang refund. Dahil matagal tagalan pa rin makakabangon sila. Konting pang unawa at pagmamahal,” sey pa ng isang netizen.
Related Chika:
K Brosas napaiyak sa napurnadang dream house, grabe ang panic attack: Masakit, kasi ang tagal kong nagmakaawa…
Anak ni K Brosas may banta sa mga nanloko sa nanay niya: Sa korte galingan n’yo ang punchlines n’yo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.