K Brosas wagi sa kasong isinampa laban sa contractor ng bahay

K Brosas wagi sa kasong isinampa laban sa contractor ng bahay

Therese Arceo - February 15, 2025 - 12:23 AM

K Brosas wagi sa kasong isinampa laban sa contractor ng bahay

MASAYANG ibinandera ng TV host-comedienne na si K Brosas ang naging hatol ng korte kaugnay sa kasong isinampa niya laban sa house contractor na nanloko sa kanya noong 2021.

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, February 13, masaya siya na nagkaroon na ng hustisya bagamat hindi pa pinal ang hatol sa naturang contractor.

“Convicted (but not yet final), finally,” saad ni K.

Nagpasalamat rin ang komedyana sa mga taong tumulong sa kanya habang kinakaharap ang kasong kanyang isinampa.

Baka Bet Mo: K Brosas nagluluksa sa pagpanaw ng adoptive mother

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maria Carmela (@kbrosas)

Lahad ni K, “Ilang taong paghihintay at pagpapasensya na may halong stress at anxiety, pero mabait ang Panginoon. Nanaig ang katotohanan. Hindi ako matatakot at mapapagod ipaglaban kung ano ang tama.

“Today, justice prevailed. Thank you, Lord! Salamat Sales and Valderrama Law Office, lalo na kay Atty. Charlotte!”

Thankful rin si K sa lahat ng mga taong nagdasal para maging matagumpay ang kaso.

“Sa lahat ng mga nagdasal (kasama na rin ang mga hindi naniwala), mahal na mahal ko kayo.

“This is one great Valentine’s gift! Panalo ito ng lahat ng mga naloko! Lablablab!!!” sabi pa ni K.

Matatandaang inabandona lang ng kanyang contractor ang ipinapagawa niyang bahay nang ilang taon sa kabila ng pagbibigay nito ng perang mahigit-kumulang P7-million.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending