K Brosas nagluluksa sa pagpanaw ng adoptive mother
KASALUKUYANG nagdadalamhati ang TV host-comedienne na si K Brosas sa biglang pagkamatay ng kanyang adoptive mother.
Ang malungkot na balita ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, February 23.
Isang black and white photo ang in-upload ni K sa kanyang IG na may nakasulat na “Rest in Peace”.
Kalakip naman ng kanyang post ang mensahe para sa inang nagpalaki at nag-alaga sa kanya.
“Mama, maraming maraming salamat sa lahat. I love you. Rest in heaven’s glory,” saad ni K.
Makikita ring nag-post siya sa kanyang IG stories ng mga larawan nila ng kanyang Mommy together na kuha sa Italy.
Baka Bet Mo: K Brosas tanggap na tanggap ang anak na miyembro ng LGBTQIA community: Kahit halamang dagat ka pa
Hindi naman na idinetalye ni K ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina.
Sa kabila nito, bumihos naman ng mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga supporters at kaibigan sa industriya.
“our deepest condolences K [emojis] sending you prayers of peace and strength,” saad ni Arnel Pineda.
Comment naman ni Pokwang, “Yakap at dasal bff @kbrosas pakikiramay ng taos puso [emojis].”
“Oh K!! Higpit na yakap and condolences,” sabi naman ni Ogie Alcasid.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko ang kuwento ng buhay ng komedyana na bata pa lang ay ipinaampon na siya ng kanyang biological mom sa kapatid nito na siyang nakagisnan na niyang ina.
Sa interview ni K last year sa vlog ni Karen Davila, inamin niyang may hindi sila pagkakasundo ng kanyang ina.
“Nung huling usap namin ganun pa rin. Ang sinumbat niya sa akin, tomboy yung anak ko dahil sa akin.
“Nag-mental breakdown ako, tinapon ko yung cellphone ko. E, that was [the] height of pandemic, doon kami last na nag-usap,” pagbabahagi ni K.
Wala namang impormasyon kung muli silang nakapag-usap matapos ang interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.